CBCP, nakikiisa sa panawagan ng katarungan sa mag-inang pinaslang sa Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Nakiisa ang Simbahang Katolika sa pagdadalamhati at panawagan ng katarungan sa mga naulila ng pamamaril sa Tarlac.

Sa pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng NASSA/Caritas Philippines, binigyang diin nito na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan bagkus ay dapat pairalin ang pag-uunawaan upang makamit ang kapayapaan.

Mariin ding kinokundena ng pinuno ng Caritas Philippines ang marahas na krimen.

“This bloodshed in broad daylight, witnessed by family members, should not have happened in the first place had we let peaceful reconciliation, not hot-tempered emotion prevail. Hence our strong condemnation of such abhorrent act, which should have no place in our society!,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ito ang tugon ng opisyal ng social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pagpaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui Tarlac nitong ika – 20 ng Disyembre dahil sa matagal nang alitan sa lupa.

Paalala ni Bishop Bagaforo sa mananampalataya na ang nalalapit na pasko ay tanda ng kapayapaan sapagkat isisilang si Hesus na sagsisag ng pag-ibig at pagpapatawad.

“May each one of us remember the lessons Christ taught us this season: love, forgiveness, and compassion,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala binigyang diin naman ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg na ang pagpaslang ay isang krimen na dapat pananagutan sa batas at paglabag sa kautusan ng Diyos.

“Murder is wrong any way we look at it. Killing is a sin against God and against humanity. Murder is not only a sin against the killed and their families. It is both a sin and a crime that cries out to heaven. Our faith assures us that this cry will reach the ears of God. There is no escaping from the justice of God, even if sometimes justice on earth is hard to find,” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Sinabi pa ni Bishop Macaraeg na mas marami pang katulad na krimen ang nagaganap sa lipunan ngunit hindi nakuhanan ng mga ebidensya kaya’t karamihan ay natatakasan ang batas at nanatiling hindi nabibigyang katarungan ang mga biktima.

“God sees all these killings. There is no escape from God’s punishment. Killing is wrong. Murder is evil,” giit ni Bishop Macaraeg.

Kasabay ng panawagan ng panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga nasawing biktima, inatasan din nito ang Caritas Tarlac na magpaabot ng mga kinakailangang tulong sa pamilya ng mga biktima.

“I am putting Caritas Tarlac, the social arm of the Diocese of Tarlac at the service of the family of the victims to provide any possible assistance.”

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,847 total reads

 4,847 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 15,191 total reads

 15,191 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 56,162 total reads

 56,162 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 90,289 total reads

 90,289 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,695 total reads

 146,695 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top