Santo Papa, ipinagdarasal ang kaligtasan ng lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total views

Ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaligtasan ng sanlibutan sa banta ng trahedya at kalamidad.

Sa Christmas message ng Santo Papa sinabi nitong nawa’y maging ligtas ang Pilipinas sa epekto ng mga kalamidad lalo’t sunod-sunod ang mga bagyong dumaan sa bansa at nagdulot ng malawakang pagbaha.

“May the King of heaven protect all victims of natural disasters in Southeast Asia especially in the Philippines and Vietnam, where numerous storms have caused flooding with devastating repercussions in people in terms of loss of life, harm to the environment and consequences for local economies,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Matatandaang nitong Nobyembre magkakasunod ang pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly, Sonia, Tonio at Ulysses sa Luzon kung saan nagdulot ng malawakang pagbaha sa Bicol Region, National Capital Rregion at Cagayan Valley.



Bukod sa bagyong Rolly na labis puminsala sa Bicol, pinakamapinsala rin ang bagyong Ullysses na nakaapekto sa NCR at iba pang parte ng Luzon.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) mahigit sa 11-bilyong piso ang pinsala ng super typhoon Rolly habang 12 bilyong piso naman sa bagyong Ulysses.

Humigit kumulang limang milyong indibidwal din ang apektado lalo na ng bagyong Ulysses na nagpalubog sa ilang lugar ng Bicol region, National Capital Region, Cagayan at Isabela kung saan humigit kumulang 70 katao ang nasawi.

Paalala ni Pope Francis sa mananampalataya na ang pagsilang ni Hesus ay paanyaya sa lahat na magkaisa at magtulungan upang maipadama ang tunay na diwa ng pag-iibigan at pakikipagkapwa tao na nagdadamayan lalo na sa panahon ng kagipitan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 130,090 total views

 130,090 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 160,312 total views

 160,312 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 186,960 total views

 186,960 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 281,933 total views

 281,933 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 294,551 total views

 294,551 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top