Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Komunidad at mga parokya, hinimok na maging liwanag sa mga drug addict

SHARE THE TRUTH

 196 total views

Mahalaga ang partisipasyon ng komunidad at bawat parokya ng Simbahang Katolika upang masuportahan at protektahan ang mga drug-addict na nagnanais ng magbagong buhay sa gitna ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Nanawagan si Lipa Archbishop Ramon Arguelles – chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na hindi nararapat na itaboy sa pamayanan at ituring na salot lalo na ng kanilang pamilya ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Inihayag ng Arsobispo na sa halip na ituring na may nakakahawang sakit ang mga nalulong sa droga ay kinakailangan ang suporta ng bawat isa upang tuluyang masupil at bigyan ng pag-asang makapagbagong buhay ang mga biktima.

“Ako hinihiling ko sana ang mga pari natin, mga lay people,i-welcome ang mga ito, huwag silang ituring na parang outcast, kung sila’y magbabago tulungan natin kung hindi pa sila nagbabago, ipagdasal pa rin natin at siguro magkaisa sa mga communities natin, ang lahat na hindi lang supilin ang mga bisyo na isang menace kundi lagyan ng magandang pag-asa yung atmosphere ng love pagkatapos yung atmosphere ng help…”panawagan ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) mula lamang July 1 hanggang August 22, 2016 umaabot na sa 8,600 ang mga naarestong drug suspects sa buong bansa kung saan 712 sa mga ito ang napatay sa operasyon ng mga pulis.

Umaabot naman sa 570,000 drug users at pushers ang kusang sumuko sa mga otoridad.

Sa kabila nito, inihayag ng Dangerous Drugs Board na mayroong 15 government-owned at 27 private drug rehabilitation centers sa bansa na accredited ng Department Of Health habang dalawa lamang ang kabilang sa DOH Accredited Treatment and Rehabilitation Centers ng Dangerous Drugs Board na pinamamahalaan ng religious congregations ng Simbahang Katolika.

Paulit-ulit na sinasabi ni Pope Francis na maging ang mga nagkasala sa ilalim ng batas ay kinakailangan pa ring bigyang ng makataong pagkalinga at igalang ang karapatang mabuhay ng marangal upang muling makapagbagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,370 total views

 9,370 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 20,853 total views

 20,853 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,542 total views

 36,542 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,306 total views

 37,306 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,974 total views

 46,974 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top