Panalangin para sa katatagan at kaligtasan dulot ng pag-ulan, hiling ng obispo ng Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 904 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Diocese ng Borongan para sa kaligtasan ng mga naapektuhan ng matinding pagbaha at pag-uulan sa Eastern Visayas.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez nawa ay hindi mawalan ng pag-asa at sa halip ay magkaroon ng katatagan ng loob upang makaahon sa nararanasang paghihirap na dala ng mga sakuna.

Tiniyak din ng Obispo na bukod sa panalangin ay handa ring tumulong ang simbahan lalo’t higit sa mga pagkain na kailangan ng mga apektadong pamilya.

“Sa lahat po ng mga affected sa pagbaha ngayon sa Diocese of Borongan, northern part, lalo na sa mga upstream parishes and barangays, huwag po tayong mawalan ng pag-asa. Basta tayo po ay magpakatatag at saka manalangin, unti-unti po tayong makakaahon… Hindi lang sa panalangin ang simbahan na makakatulong kundi nakakatulong din sa materyal na paraan lalo na sa pagkain,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo ay nakahanda naman ang mga parokya na sakop ng Diyosesis na tumulong at magpatuloy sa mga apektadong residente at pamilya habang hindi pa humuhupa ang pagbaha sa ilang bayan.

Nakikipagtulungan din ang simbahan sa lokal na pamahalaan upang mapadali ang pag-rescue at pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.

Idinadalangin naman ni Bishop Varquez na nawa’y gumanda na ang panahon sa Diocese at wala nang dumaang kalamidad na muling magdadala ng paghihirap sa mga naninirahan sa Eastern Visayas.

Batay sa ulat ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction Office, umabot na sa 3,000 mga pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa limang bayan sa lalawigan dulot ng patuloy na pag-uulan.

Kabilang din ang lalawigan ng Eastern Samar sa mga labis na naapektuhan ng Typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 56,226 total reads

 56,226 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 152,609 total reads

 152,609 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 196,878 total reads

 196,878 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,987 total reads

 219,987 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 292,609 total reads

 292,609 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,984 total reads

 145,984 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top