Deboto ni Sr.Sto.Nino, hinamong tuldukan ang karahasan sa mga bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

Maging mapagmatyag sa mga nagaganap na karahasan at pang-aabuso sa mga bata.

Ito ang panawagan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa kanyang pagninilay sa Kapistahan ng Santo Niño na ipinagdiriwang ng simbahang katolika sa buong bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo, maraming mga bata sa bansa ang nakararanas na maging biktima ng karahasan at pang-aabuso na nakaaapekto lalo na sa kaisipan at pisikal na aspeto ng mga ito.

“Sa ating bansa maraming mga bata ay biktima ng violence, ng human trafficking, ng sexual abuse, ng cybersex,” pagninilay ni Bishop Pabillo

Binanggit din ng Obispo ang pang-aabuso sa mga bata na nagaganap din sa mga simbahan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na malaking eskandalo sa simbahang katolika ang usapin ng pedophilia o ang pagkakaroon ng sekswal na atraksyon sa mga bata na lubos namang pinagsisisihan ng simbahan.

“Pati nga sa simbahan nangyayari ang pang-aabuso sa mga bata. Kaya malaking eskandalo ang pedophilia sa simbahan at ito’y lubha nating pinagsisisihan at binabago,” ayon kay Bishop Pabillo.

Binigyang diin naman ng Obispo ang mga karahasan at pananamantala sa mga bata na nagaganap mismo sa loob ng tahanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kailangang maging mapagmatyag at mabantayang mabuti ang mga ganitong uri ng karahasan na nakaaapekto sa inosenteng kaisipan ng mga bata upang mahinto na at hindi na lumala pa.

“Pero mas malaki ang sexual abuse na nangyayari sa loob ng mga pamilya mismo, lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemiya. We should all be vigilant to prevent this,” ayon sa Obispo.

Hamon naman ni Bishop Pabillo, na siya ring chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines—Episcopal Commission on the Laity na ipalaganap ang pagkakaisa upang malabanan ang karahasan at pananamantala sa mga bata.

Ayon sa Save the Children, isang organisasyong nagtataguyod ng mga karapatang pambata, maraming maaaring gawin upang tuldukan ang sekswal na karahasang bumibiktima sa mga bata.

Isa sa mga ito ang pagkakaroon ng patakarang itinataas ang edad ng pagtukoy ng statutory rape mula sa 12 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,907 total reads

 9,907 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,835 total reads

 45,835 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 102,241 total reads

 102,241 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,456 total reads

 225,456 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,299 total reads

 176,299 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top