Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total views

Ang Salita ng Diyos ang isang salik na nagbibigkis sa mga Kristiyano at sa iba’t- ibang mga denominasyon.

Ito ang ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanyang Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo na isa ring kasapi ng Episcopal Commission for the Biblical Apostolate (ECBA) ng CBCP, isang Ecumenical Bible Festival ang isasagawa sa ika-23 hanggang ika-25 ng Enero kung saan nagkaisa ang mga kasapi ng Philippine Bible Society para sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Bishop David na layunin din ng nakatakdang Ecumenical Bible Festival na ipamalas ang Salita ng Diyos sa pagkakaroon ng Christian unity kung saan bukod sa mga Katoliko kabilang din sa magaganap na Bible Festival ang mga Protestants, Evangelilcal, Methodist at Independent Church.

“Magkakaroon ng isang Bible Festival at ang Bible Festival na ito ay magaganap sa January 23, 24 and 25 ito is in partnership which is an Ecumenical endeavor with our partners in the Philippine Bible Society. Merong Protestants diyan, Evangelilcal, may Methodist, may Independent Church kasi ang Salita ng Diyos isa sa mga factors for Christian unity. Diba kasi-celebrate lang natin ng Taon ng Ecumenism and Interreligious Dialogue sana masustain natin ito at ang nagsusustain nito sa Ecumenism in particular ay ang Salita ng Diyos.” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na may tatlong tema na tatalakayin sa tatlong araw na Ecumenical Bible Festival.

Sa unang araw ika-23 ng Enero ay tatalakayin ang The Healing Power of the Word of God na susundan naman ito ng pagtalakay sa The Uniting Power of the Word of God sa ika-24 ng Enero at magtatapos sa talakayan ng The Transforming Power of the Word of God para sa huling araw ng Ecumenical Bible Festival.

Pangungunahan ni Bishop David ang talakayan para sa ikalawang araw na nataon rin sa mismong paggunita ng Sunday of the Word of God kung saan inaasahan ng Obispo na magsilbi itong daan upang higit na mabuksan ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng Salita ng Diyos na nag-uugnay sa bawat isa.

“Sana maging okasyon ito para sa atin para makita natin how the Word of God is bringing us together kasama yung mga kapatid natin, mga kapwa Kristiyano natin who are not necessarily of the Roman Catholic Church…” Dagdag pa ni Bishop David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,249 total views

 56,249 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,118 total views

 52,118 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,320 total views

 88,320 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,740 total views

 96,740 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,371 total views

 121,371 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top