Pagputol ng 30-puno sa Baguio, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,346 total reads

Kinokondena ng Diocese ng Baguio ang isinasagawang road widening project ng Department of Public Works and Highways sa lungsod ng Baguio.

Ito’y dahil sa pagputol sa humigit-kumulang 30-puno para bigyang daan ang pagpapalawak sa mga kalsada na dulot na rin nang pagsisikip ng mga lansangan.

Ayon kay Fr. Mario Tambic, director ng Commission on Environment ng Diyosesis na hindi inaasahan ang pagpuputol ng mga puno dahil hindi man lamang humingi ng pahintulot ang DPWH maging ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng lungsod.

“The other road widenings which involve cutting of trees are unexpected because we were not informed/consulted as people of the city,” bahagi ng pahayag ni Fr. Tambic sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng pari na natigil naman ang binabalak ng DPWH na pagputol sa mga puno malapit sa Baguio Cathedral na nagsisilbing tahanan ng Obispo, dahil sa pakiusap ni Baguio Bishop Victor Bendico sa mga kinauukulan.

“The supposedly plan of DPWH to cut trees near the Bishop’s Res[idence] was stopped due to our Bishop’s negotiations with the concern offices,” ayon kay Fr. Tambic.

Sa pahayag ng DPWH-Baguio District Engineering Office, pinahintulutan sila ng pamahalaang lungsod na putulin ang mga puno kabilang na ang ilang pine trees sa apat na lugar na sakop ang dalawang malaking kalsada.

Kinwestiyon naman ni Fr. Tambic ang mga prayoridad ng pamahalaan na sa halip na pagtuunan ng pansin ang paglutas sa pandemya, ay inuuna pa ang mga proyektong nakasisira ng kalikasan.

“And to think that we are in this pandemic is really an issue to ask, ‘ano ba ang prayoridad ng gobyerno natin?’,” ayon sa pari.

Noong 2019, sinimulan ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang Baguio Redevelopment Plan, kabilang ang pangangalaga sa natitirang 2.5 milyong puno ng lungsod batay sa pagtataya ng DENR.

Ipinanukala rin ng alkalde ang one-year moratorium sa pagpuputol ng puno at pagsasagawa ng konstruksyon, at ang kautusan na paparusahan ang sinumang pipinsala sa pine trees sa lungsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 11,201 total reads

 11,201 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 47,060 total reads

 47,060 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,466 total reads

 103,466 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,615 total reads

 226,615 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,349 total reads

 176,349 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top