RH law: ‘Total failure’-ProLife

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total views

Sinalamin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabubuntis na hindi epektibo ang pinapairal na Reproductive Health Law o RH Law.

Ayon kay Rita Linda Dayrit, pangulo ng Pro-life Philippines Foundation Inc., nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga batang nagbubuntis na nangangahulugan ng kabiguan ng Reproductive Health Law na isinulong ng pamahalaan.

Pagbabahagi pa ni Dayrit, nangangahulugan rin ito na hindi epektibo ang nilalaman ng batas na pagsusulong ng sex education at paggamit ng mga contraceptives tulad ng condom.

“It is a total failure kasi alam mo ipinaglaban nila yan di ba ng mga Kongresista natin, ng DOH ipinaglaban nila yang RH Law para daw mabawasan isa yan sa inaano nila mabawasan ang teenage pregnancy, so the fact na tumataas that means hindi effective ang RH Law.

Hindi effective, hindi naging effective yung isinusulong nilang sex education, diba yan ang sinasabi nila kailangan alam ng mga bata ang itsura ng condom hindi effective.

Hindi effective yung promotion ng condom dahil ang mga bata nabubuntis pa din…” ang bahagi ng pahayag Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit ni Dayrit, higit na mahalaga ay ang paggabay ng mga magulang sa mga kabataan lalu na sa usapin ng pagpapahalaga sa sarili at sa pangangatawan na templo ng Espiritu Santo.

Binigyang diin rin ni Dayrit na sa halip na turuan ng paggamit ng mga contraceptives ang mga kabataan ay mas mahalagang isulong ang pangangalaga sa moralidad at ispiritwalidad ng mga kabataan.

“Kaya nga ang isinusulong namin palagi is always effective parenting at pagbabantay sa mga bata, education talaga dapat, education talaga na maituro sa mga kabataan kung papaano to have an abstinence relationship yung chase, pahalagahan nila ang katawan nila na tayo ay temple of the Holy Spirit.” Dagdag pa ni Dayrit.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 7% ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa o mga babaeng nanganak edad 15 taong gulang pababa noong 2019, kumpara noong 2018.

Sa tala ng Commission on Population and Development (PopCom) ito na ang ika-siyam na sunod na taon na tumataas ang bilang ng teenage pregnancies mula noong taong 2011.

Kaugnay nito nasasaad sa encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris na mahalagang patatagin ang pamilya bilang pundasyon ng matatag at maayos na pagkatao ng mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,537 total views

 62,537 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,406 total views

 58,406 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,608 total views

 94,608 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,782 total views

 102,782 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,889 total views

 126,889 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top