Kabataang Filipino, hinimok na magpatala sa voters registration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Kabataang Filipino, hinimok na magpatala sa voters registration

Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines National Capital Region (CEAP NCR) na mahalagang mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa kapangyarihang bumoto ng bawat Filipino upang magluklok ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

Ayon kay Rev. Fr. Nolan A. Que – Regional Trustee ng CEAP NCR, dapat na mamulat ang mga kabataan sa mahalagang constitutional right ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng Pari na dapat malaman ng mga kabataan na malaki ang kanilang maiiambag para sa pagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad sa bayan sa pamamagitan ng pagboto ng mga karapat-dapat na mga opisyal.

Kabilang sa rekomendasyon ni Fr. Que ang pagtuturo sa mga Senior High School (SHS) students na magpatala bilang isang botante sa nagaganap na voter’s registration upang makaboto sa nakatakdang May 2022 National and Local Elections.

“I am reccomending that our Senior High School (SHS) students be taught how to register and vote for the May 2022 elections. Let us encourage our young brothers and sisters to take part on this important constitutional right that will make an impact to our nation and to the lives of every Filipino.” pahayag ni CEAP NCR Regional Trustee Rev. Fr. Nolan A. Que.



Pagbabahagi ng Pari, bilang isang Catholic organization ay naaangkop lamang na maging gabay ang mga Katolikong paaralan at institusyon sa paghuhubog ng mga kabataang may pakialam at pagmamalasakit sa bayan.

“As a Catholic organization, let us train our students to be more engaged in their social responsibilities and make their voices be heard on issues concerning the sanctity of life, the family, and the sacredness of the ballot.” Dagdag pa ni Fr. Que.

Nauna ng inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na sa 4,000,000 target na bagong botante ng komisyon ay tanging 1,117,528 pa lamang ang nakapagpapatala sa kasalukuyang voter’s registration kung saan tanging 117,011 pa lamang ang mga bagong botanteng nagpatala mula sa National Capital Region.(Reyn Letran)

Attached Fr. Nolan A. Que’s Letter of Recommendation:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 51,889 total reads

 51,889 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 97,928 total reads

 97,928 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 120,128 total reads

 120,128 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 156,622 total reads

 156,622 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 374,616 total reads

 374,616 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top