1-milyong piso Taal volcano emergency response, inilaan ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total views

Naglaan ng isang milyong pisong pondo ang Arkidiyosesis ng Lipa sa lalawigan ng Batangas, na gagamitin para sa emergency response effort sakaling tumindi ang pagliligalig ng bulkang Taal.

Ayon sa inilabas na ulat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), patuloy pa rin ang Arkidiyosesis sa paghahanda ng ipapamahaging tulong tulad ng mga pagkain at tubig para sa mga apektadong residente.

Nailikas na rin ang nasa 81 pamilya na binubuo ng 407 indibidwal mula sa permanent danger zone at kasalukuyang nasa evacuation centers sa Barangay Tumaway, Talisay, Batangas.

Nakipag-ugnayan naman ang LASAC sa iba’t-ibang parokya at pamahalaang lokal ng Talisay, San Nicolas, Laurel at Agoncillo para sa maayos na pagsasagawa ng emergency response sakaling pumutok ang Taal volcano.

Samantala, nananatili sa Alert level 1 ang sitwasyon ng bulkang Taal makaarang makapagtala ito ng 185 magkakasunod na pagyanig sa loob ng anim na minuto sa nakalipas na pitong araw.

Ayon sa ulat ng Taal Volcano Monitoring Network, mayroon ding pagtaas sa antas ng acidity at temperatura sa main crater lake.

Pinaalalahanan naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang mga residente na mag-ingat sa mga maaaring idulot ng pagliligalig ng bulkang Taal, gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa pagpunta sa Taal Volcano Island lalo na sa Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 59,315 total views

 59,315 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 92,397 total views

 92,397 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 120,748 total views

 120,748 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 188,480 total views

 188,480 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 207,509 total views

 207,509 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top