Samahan sa Hesus patungo sa Herusalem, paanyaya ni Cardinal Tagle ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,654 total reads

Ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa panahon ng Kuwaresma ay isang paanyaya upang samahan si Hesus sa kanyang paglalakbay patungo sa Herusalem.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Pontificio Collegio Filipino sa Roma kaugnay sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Ayon sa Cardinal, isang magandang pagkakataon ang panahon ng Kuwaresma upang tupdin ang kaloob ng Panginoon para sa bawat isa tulad ng ipinamalas ni Hesus na buong pusong pagsunod sa Diyos maging sa pag-aalay ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng bawat isa.

“The Pope’s message for this Lenten Season is an invitation for us to go with Jesus to Jerusalem. He [Jesus] would take this journey only for God. In obedience to God. And by obeying God he will offer his life for others.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Nagpahayag naman ng pakikiisa ang Cardinal para sa patuloy na paghahanda ng Pilipinas sa ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa ngayong taong 2021.

Inihayag ni Cardinal Tagle na higit na mahalagang pagkakataon ang panahon ng Kuwaresma para sa mga Filipino ngayong taon lalo na’t isa itong naaangkop na paghahanda para sa paggunita ng makasaysayang unang binyag na naganap sa Pilipinas.

“For us in the Philippines, this [Lenten season] is significant. Because this year 2021, we’re celebrating the 500th anniversary of the first baptism. The first baptism. So let us spend this whole Lenten season in preparing ourselves as baptized. To die with Christ. Baptism is a dying with Christ and also rising to new life with Christ.”Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, bukod sa isang paanyaya ang panahon ng Kuwaresma upang buong pusong sumunod sa Panginoon tulad ng halimbawa ni Hesus ay isa rin itong pagkakataon para sa ganap na pagbabalik-loob at pagpapanariwa ng pananampalataya.

Ang panahon ng Kuwaresma na nagsimula noong Miyerkules ng Abo ay ang 40-araw na paghahanda ng mga Katoliko para sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus upang iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,681 total reads

 49,681 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,181 total reads

 136,181 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,218 total reads

 179,218 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 228,977 total reads

 228,977 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 387,957 total reads

 387,957 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top