Archdiocese of Cebu, humiling ng panalangin sa agarang paggaling ni Archbishop Palma sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Humiling ng panalangin ang Arkidiyosesis ng Cebu sa agarang paggaling ni Archbishop Jose Palma makaraang magpositibo sa COVID-19.

“The Archdiocese of Cebu wishes to inform the faithful that Archbishop Jose S. Palma tested positive for COVID last night; Let us all pray for his steady and speedy recovery,” bahagi ng anunsyo ng arkidiyosesis.

Sa panayam ng Radio Veritas kinumpirma ni Msgr. Joseph Tan, tagapagsalita ng arkidiyosesis, na nakaranas ng mild sypmtoms ng COVID-19 si Archbishop Palma at kasalukuyang nagpapagaling sa Perpetual Succour Hospital.

Ipinaalam na rin ng arkidiyosesis sa mga naging close contact ng arsobispo ang sitwasyon bilang bahagi ng contact tracing at mapigilan ang pagkalat ng virus.

Matatandaang noong Enero ay naospital si Archbishop Palma dahil sa ubo at sipon subalit nagnegatibo ito sa isinagawang swab test.

Abala ang arsobispo sa puspusang paghahanda ng arkidiyosesis sa mga gawain sa paggunita ng 500 Years of Christianity kung saan sa Abril 14 ay gugunitain ang kauna-unahang binyag sa bansa na naganap noong Abril 1521.

Bukod kay Archbishop Palma anim na obispo pa sa bansa ang nahawaan ng coronavirus kabilang na sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Bishop Broderick Pabillo, Bishop David William Antonio, Bishop Deogracias Iñiguez habang nasawi naman sina Archbishop Oscar Cruz at Bishop Manuel Sobreviñas.

Sa monitoring naman ng Department of Health mahigit na sa kalahating milyon ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kung saan mas marami ang naitalang gumaling habang dalawang porsyento naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,695 total reads

 49,695 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,195 total reads

 136,195 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,232 total reads

 179,232 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 228,991 total reads

 228,991 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 387,971 total reads

 387,971 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top