Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Kaakibat ng pagiging mabuting Kristiyano ang pagiging mabuting Filipino.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo na kabilang sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution, hindi maaaring paghiwalayin ang pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa, sa pagmamahal at pagmamalasakit para sa bayan at sa lipunan sapagkat ito ay bahagi ng pagiging mabuting Kristiyano na isinabuhay ni Hesus nang siya ay magkatawang tao.

“Mabuti kang Kristiyano ngunit pangit kang Filipino hindi dapat, kung gusto mong maging mabuting Kristiyano maging mabuti kang Filipino it’s as simple as that,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng mamamayan ang edukasyon sa pagiging mabuting mamamayan na maaaring simulan ng Simbahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman kasabay ng pagbabahagi ng tulong lalu na sa panahon ng pandemya.

“Dapat education of the people talaga, nagkaroon tayo ng pagkakataon ngayon makalapit talaga sa mga tao, sa mga maralita sa panahon ng pandemic na ito. Itong pagkakataon na ito ay gamitin natin para yung mga tao naman ay hindi lang mabigyan ng ayuda o pagkain kundi mabigyan ng edukasyon tungkol sa tunay na citizenship.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Binigyang diin naman ni Bishop Bacani na patuloy ang panawagan ng EDSA People Power Revolution na mawakasan na ang kurapsyon o katiwalian sa lipunan na dapat ring magsimula sa pamumuhay ng matapat at matuwid sa pang-araw-araw ng bawat mamamayan.

Ayon sa Obispo, walang dapat na maging puwang ang katiwalian at pagiging gahaman para sa pansariling interes sa halip ay dapat na mangibabaw ang kapakanan ng mas nakararami.

“Pero, tandaan natin ang pakikipaglaban sa kurapsyon ay hindi lamang minsan dapat patuloy yan at tandaan natin ang paglaban sa kurapsyon dapat una manggaling sa atin, bawat isa maging matuwid sa kanyang pamumuhay.” Pagbabahagi ni Bishop Bacani.

Sa datos ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) tinatayang aabot ng lima hanggang 10-bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Sa tala naman ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 nakulong at 3,240 katao ang napaslang noong Marial law.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 23,747 total reads

 23,747 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 46,752 total reads

 46,752 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,252 total reads

 83,252 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 303,876 total reads

 303,876 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 337,165 total reads

 337,165 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top