Pabahay ng Simbahan sa mga residente ng Taal volcano island, ipinatigil muna ng PHILVOCS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Nakasalalay sa pahintulot ng National Housing Authority ang planong pabahay para sa mga nagsilikas na residente mula sa Taal volcano island na idineklarang permanent danger zone.

Ibinahagi ni Lipa Archdiocesan Social Action Director Fr. Jayson Siapco sa Radio Veritas na wala pang malinaw na desisyon ang Local Government Units ng Batangas sa pagtatayo ng permanenteng tirahan para sa mga nagsilikas na residente.

“Pagdating sa usapin na iyan, wala pang malinaw. I personally was asking the municipal mayors, ang sinasabi lang nila meron silang plano at ang plano ng pagpapabahay ay nakadepende sa approval ng NHA,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi naman ng Pari na ang Archdiocese of Lipa ay nakapagpatayo na ng 45-pabahay at nakapagkaloob ng shelter assistance sa 205 apektadong pamilya.

Inihayag ni Fr. Siapco na nais ng Arkidiyosesis na makapagpatayo ng karagdagang pabahay ngunit hindi muna ito pinahintulutan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil lubhang mapanganib sa kasalukuyan.

“We wanted to have a full blast construction of the houses. May pondo tayo. Right now we can openly say hindi natin ito ma-i-full blast kasi it is also coming from PHIVOLCS. They were telling [to] do not implement your rehabilitation plan on a full blast basis yet. Kasi nga ang ating Taal volcano ay hindi pa tahimik,” ayon kay Fr. Siapco.

Sa kabila nito ay patuloy naman ang Arkidiyosesis sa pagsasagawa ng shelter assistance and rehabilitation program upang matulungan ang mga evacuees na nasa mga evacuation center.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24-oras ay nakapagtala ng 42 na pagyanig sa paligid ng bulkang Taal.

Dahil dito ay nakataas pa rin sa alert level 2 ang bulkan at mahigpit pa ring ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 22,893 total reads

 22,893 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 45,947 total reads

 45,947 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 82,448 total reads

 82,448 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 303,072 total reads

 303,072 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 336,399 total reads

 336,399 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,165 total reads

 98,165 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top