Magsalita laban sa extra-judicial killings sa bansa, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Hindi lamang ang COVID-19 pandemic ang problemang kinahaharap ng mga Filipino.

Tinukoy ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang serye ng karahasan na nagaganap sa gitna ng krisis na dulot ng COVDI-19 pandemic.

Ayon sa Obispo na chairman ng Catholic Bishops’ Conference of Philippines – Episcopal Commission on the Laity, nakadidismaya ang mga hindi maka-Diyos na pangyayaring nagaganap sa bansa bagamat mayorya ng mga Filipino ay mga Kristiyano.

“Ang problema natin ay hindi lang covid 19. Kahit na ang karamihan sa atin ay mga Kristiyano, pero ang masakit na katotohanan ay may mga kalakaran sa ating lipunan na hindi maka-Kristo at komokontra pa sa kalakaran ni Kristo.” pagninilay ni Bishop Pabillo sa mga nagaganap na karahasan sa bansa.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na kung mananatiling tikom ang bibig ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa lipunan ay lalo lamang lalala ang mga karahasan, kasinungalingan, kaguluhan at kapahamakan tulad ng tinaguriang ‘bloody sunday’ noong ika-7 ng Marso kung saan 9 ang nasawi sa anti-rebel operation ng mga pulis at sundalo sa CALABARZON.

Iginiit ng Obispo na hindi dapat ituring na pahintulot o warrant to kill ang search warrant o anumang warrant na hawak ng mga alagad ng batas laban sa sinumang mga pinaghihinalaang lumabag ng batas.

Binigyan diin ni Bishop Pabillo na hindi na kapani-paniwala at gasgas na ang dahilan na panlalaban ng mga nasasawi sa operasyon ng puwersa ng pamahalaan.

“Kung hindi tayo iimik, lalala pa ang kalakaran ngayon na magpahamak, bumaril, pumatay at magsinungaling. Noong nakaraan Linggo ay nagiging kilala na Bloody Sunday. Siyam na mga tao ay pinatay sa southern Luzon ng mga alagad ng batas. Nandiyan iyon karaniwan at gasgas na dahilan – nanlaban kuno. May search warrant daw sila – iyang search warrant ay hindi warrant to kill.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Naniniwala rin ang Obispo na tulad ng inilunsad na war on drugs ay hindi rin magiging matagumpay ang anti-rebel operation ng pamahalaan na kapwa isinasakatuparan sa pamamagitan ng armas at dahas na maituturing na gawain ng kadiliman.

“We have to admit that the so-called war on drugs is an utter failure. Ilang libo na ang pinatay at napatay, at marami ay ang bata at matatanda na mga collateral damage, nabawasan ba ang paggamit ng droga sa bansa? Ganoon din, itong pagsusugpo ng mga pinagbibintangang komunista sa pamamagitan ng pagbabaril, pagpapatay, at pagtatanim ng mga ebidensiya ay magiging failure din kasi ito ay gawain ng kadiliman.” Giit pa ni Bishop Pabillo.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 39,578 total reads

 39,578 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 192,591 total reads

 192,591 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 227,265 total reads

 227,265 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 243,165 total reads

 243,165 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 279,652 total reads

 279,652 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 286,755 total reads

 286,755 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 39,579 total reads

 39,579 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top