Igalang ang kasagraduhan ng boto ng mga taga-Palawan-Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 841 total reads

Nanawagan ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa mga Palaweño na maging mapagbantay sa nagaganap na canvassing of votes matapos ang plebisito sa probinsya noong ika-13 ng Marso, 2021.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, dapat na igalang ang kasagraduhan ng boto ng bawat Palaweño na nakibahagi sa plebisito.

Ipinapanalangin rin ng Obispo ang pananaig ng katapatan at kabutihan sa lahat ng mga nangangasiwa sa pagbibilang ng boto sa naganap na plebisito kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng probinsya ng Palawan.

“Now that the plebiscite is coming to a close, we call on every Palaweño to be very vigilant in the conduct of canvassing of votes. The people has spoken and they must be listened to through deep respect on the sanctity of ballots. We pray for those who are tasked to facilitate the counting of votes. May you always be inspired and guided by your solemn promise to serve the people and the common good.”pahayag ni Bishop Mesiona.

Nagpaabot naman ng pagkilala at pasasalamat ang Obispo sa lahat ng mga nagsilbi bilang local Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) volunteers na nagsilbing tagapagbantay ng Simbahan sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa katatapos lamang na plebisito sa Palawan.

“Meanwhile, I express my admiration and gratitude to those who selflessly served as PPC-RV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) volunteers in their respective parishes. Your faith has shown so brightly serving and collaborating in the task socio-political.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Samantala sa panayam ng Obispo sa Radio Veritas na Veritas Pilipinas, inihayag ng Obispo na sinasalamin ng inisyal na resulta ng naganap na plebisito sa probinsya kung saan higit na nakalalamang ang botong ‘No’ o ‘Hindi’ ang paninindigan ng mga Palaweño para sa iisang probinsya ng Palawan.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan ni Bishop Mesiona sa paninindigan ng mga Palaweño laban sa paghahati sa tatlo sa probinsya ay ang pagkawala ng pagkakakilanlan ng mamamayan.

Naniniwala rin si Bishop Mesiona na maaari pa ring maibahagi sa lahat ng mamamayan ang pag-ulad at pagbabago sa Palawan kahit hindi ito hatiin sa tatlo.

“Una ang unang dahilan ay hindi po talaga , ayaw po talaga nila na mahati-hati sila kasi ibig sabihin mawawala yung identity nila bilang Palaweño kung mahati nga yung Palawan. Pangalawa ay hindi pa naman po siguro kasi ganoon kadami ang tao sa Palawan at kailangan hatiin. Pangatlo, siguro po ay yung tinatawag na kaunlaran o development ay maari namang gawin kahit na yung mapaglingkuran ay buong Palawan”. pagbabahagi ni Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa tala ng Commission on Election may 490,369 ang bilang ng mga botante sa Palawan kung saan 244,029 o 49.76% ng mga botante sa probinsya ang nakibahagi sa naganap na plebisito.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,584 total reads

 20,584 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,711 total reads

 20,711 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,143 total reads

 37,143 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,549 total reads

 93,549 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,050 total reads

 217,050 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,611 total reads

 300,611 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top