Pro-democracy coalition 1Sambayan, inilunsad para sa 2022 national elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total views

Bahagi ng pagiging tunay na Kristiyano ang pagiging isang mabuting mamamayan.

Ito ang binigyan diin ng dalawa sa convenor ng 1Sambayan na pambansang koalisyon na binuo para sa 2022 national elections.

Ayon kay Brother Armin Luistro, FSC, Provincial Superior ng De La Salle Brothers in East Asia at dating Education Secretary na ang pinaniniwalaan ng mga mananamapalataya sa Simbahan ay dapat din na ganap na napapangatawanan sa lipunan.

“Sumama ako dito dahil kasama ito doon sa ating pananampalataya at siguro ito yung isa sa napakamahalagang bahagi ng 1Sambayan. Yung ‘Samba’ na yung ating pinaniniwalaan sa ating puso ay kailangan nating mapangatawanan sa labas ng ating lipunan. Sa mga nakalipas na taon ay medyo tahimik na parang wala tayong pakialam at kung nakikialam sinasabi na namumulitika pero kapag meron kang kapatid na binabaril, natokhang pamumulitika ba yun? kapag meron kang COVID-19 patient na hindi nabigyan ng bakuna dahil yung pera ay ibinulsa ng gobyerno, pamumulitika ba yun? Ang 1Sambayan ay tumatawag sa lahat ng mga taong Simbahan na ipakita natin na yung ating pananampalataya ay hindi lamang pang-Simbahan, kundi para sa pang-araw-araw na pamumuhay.” pahayag ni Luistro sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin naman ni Jesuit Priest Fr. Albert Alejo, SJ na hindi maaring maging tahimik ang Simbahan sa mga maling nagaganap sa lipunan upang maitama ito at mapalaya mula sa mga kaguluhan at karahasan.

“Alam niyo sa ganitong sitwasyon na nalalabag ang katwiran, nalalabag ang moralidad, minumura nga pati Diyos hindi pu-pwedeng magtulog-tulog o magtalukbong ang Simbahan. Sa sociological point of view the Church is the biggest NGO, we are everywhere pero hindi lang yun in the prophetic value na kahit na kaunti, kahit na mahina kailangan lalagay tayo sa tama kapag hindi nababalewala yung ating pananampalataya.”pahayag ni Fr. Alejo

Naniniwala ang 1Sambayan na binubuo ng iba’t-ibang sektor ng lipunan na mahalaga ang nakatakdang 2022 Presidential election para sa kinabukasan ng bansa.

Layunin ng koalisyon na maisulong ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga grupo at sektor upang manindigan kung sino ang mga nararapat na mga opisyal na makabubuti para sa bayan.

Ipinaliwanag naman ni 1Sambayan Chairman at Lead Convenor retired Supreme Court Justice Antonio Carpio na dapat na magkaroon ng iisang kinatawan o kandidato ang oposisyon partikular sa pagka-Presidente upang hindi mahati ang boto ng mga Filipino na nagnanais mawakasan ang mga kaguluhan, karahasan at kawalang katarungan na nagaganap sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,851 total views

 62,851 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,720 total views

 58,720 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,922 total views

 94,922 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,083 total views

 103,083 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,158 total views

 127,158 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top