Ilang sibilyan, nadamay sa engkuwentro ng militar at Abu Sayyaf sa Sulu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Inamin ng Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu na may ilang mga sibilyan na hindi naiuulat ng media ang nadamay sa patuloy na engkuwentro ng mga sundalo at bandidong Abu Sayyaf sa Patikul Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Sister Ramona Tendon, Associate of Notre Dame – Social Action Directress ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu bagaman wala silang eksaktong datos ng mga namatay sa nangyayaring bakbakan sa pagitan ng Abu Sayaff at militar.

Inihayag ni Sister Tendon na nakikipag – ugnayan pa sila sa Commission on Human Rights at Department of Social Welfare and Development lalo na sa pagsaklolo sa mga komunidad na nadadamay sa gulo.

“Mayroon pong casualties na hindi po nila nire – report. Tikom ang bibig ng ating media as much as possible. Pero ang tanging pinagkukunan namin ng information ay yung sa human rights office na katabi ng aming opisina. Ayaw ko pong sumama sa field kasi ako po ay kailangang magbalot, magsuot katulad rin ng Muslim para maka – penetrate po ako roon,” bahagi ng pahayag ni Sis. Tendon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Nabatid mula sa datos ng Armed Forces of the Philippines na sa tinatayang 25 Abu Sayyaf na nasawi ay dalawa ang sub leader kung saan isa dito ay kinilala na si Alias MAA.

Habang nasa 15 sundalo naman ang nasawi at patuloy namang ginagamot sa pagamutan sa Sulu ang sampung sundalo na nasagutan sa engkuwentro.

Patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang mapayapang pakikipag – diyalogo sa mga bandidong grupo para sa ikapapaya ng buong rehiyon ng Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,752 total reads

 46,752 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,255 total reads

 133,255 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,292 total reads

 176,292 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,050 total reads

 226,050 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,191 total reads

 385,191 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,508 total reads

 330,508 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,593 total reads

 436,593 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top