500YOC, ipagdiriwang sa Middle East sa ika-16 ng Abril 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Ipagdiriwang ng mga Pilipino sa Middle East ang 500 Years of Christianity. Ayon kay Fr. Troy De Los Santos, OFM Cap., ang Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia,mahalagang ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya lalo’t ang mga Pilipinong migrante ay maituturing na tagapagpalaganap ng kristiyinismo sa mga bansang pinaglilingkuran.

“Kami bilang manggagawa sa ibayong dagat ay may tungkuling ibahagi sa daigdig ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap; we give our yes to mission,” mensahe ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak ng opisyal ng AVOSA na kaisa ang mga Pilipino sa United Arab Emirates sa pasasalamat sa Panginoon sa kaloob na kristiyanismo sa bansa.

“Nag-uumapaw ang aming puso sa kasiyahang dulot ng pagdiriwang na ito, nagpapasalamat sa Diyos sa kaloob na biyaya ng pananampalataya; Ang Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ay nakikiisa sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ikalimang daang taon ng kristiyanismo,” ani Fr. De Los Santos.

Ayon naman kay Rommel Pangilinan, social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Facebook page at coordinator ng 500YOC sa Abu Dhabi, ilulunsad ang 500YOC sa lugar sa Abril 16, 2021, sa ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Pangungunahan ni Fr. De Los Santos ang Banal na Misa alas dose ng tanghali sa UAE habang alas kuwatro ng hapon naman sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangilinan na hindi naging hadlang ang mga limitasyong dulot ng pandemya sa pagdiriwang at pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng pananampalataya. Nitong Pebrero sinimulan ang paghahanda sa Abu Dhabi ng selebrasyon kung saan gumawa rin ito ng mga 500YOC memorabilia tulad ng t-shirt at pamamahagi ng mission cross mula sa Manila Cathedral.

Sa kabuuan apat na parokya sa Abu Dhabi ang makikilahok sa pagdiriwang ang St. Joseph’s Cathedral, St. Paul’s Church Musaffah, St. John the Baptist Church Ruwais, at St. Mary’s Church Al Ain. Matutunghayan ang pagdiriwang sa opisyal FB Page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,527 total reads

 91,527 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,762 total reads

 168,762 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,210 total reads

 202,210 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,509 total reads

 237,509 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,466 total reads

 460,466 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top