Publiko, binalaan ng Radio Veritas sa mga humihingi ng donasyon gamit ang himpilan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total views

Nagbabala ang pamunuan ng Radio Veritas 846 sa publiko laban sa mga indibidwal na umiikot at nag-aalok ng serbisyo kapalit ang pera gamit ang pangalan ng himpilan.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng himpilan, dapat maingat ang mamamayan upang makaiwas sa panloloko at ugaliing tiyakin na lehetimo ang anumang transaksyong gagawin.

“Kami po sa Radyo Veritas ay nagbabala sa ating mga kapanalig tungkol sa mga masasamang loob na naglilibot ngayon at sa kasamaang palad ay ginagamit ang pangalan ng ating himpilan upang makapangloko at makakuha ng pera sa kapwa; Mag-ingat po kayo sa kanila,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng social media post ni Bea Jorda ng Quezon City kung saan nag-post ito ng larawan ng dalawang inidbidwal na umiikot sa kanilang lugar at nag-aalok ng healing service mula sa Radio Veritas. Sinabi ni Jorda na nakapagbigay ang kanilang pamilya ng dalawang libong piso habang isang nagngangalang Maricel Rosario Malate naman ang nakapag-abot ng isanlibong piso sa dalawang manloloko. Ikinalungkot ng pamunuan ng Radio Veritas na may mga taong nanamantala sa gitna ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

“Nakakalungkot na marinig at malaman na kahit sa panahon ng pandemya na maraming tao ang nahihirapan ay may mga taong nagsasamantala sa kanilang kapwa lalo na doon sa talagang nangangailangan ng tulong at pag galing,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Hiling ni Fr. Bellen sa publiko na agad ipagbigay alam sa himpilan o sa mga otoridad ang ganitong uri ng panloloko upang matigil ang masamang gawain.

“Mga Kapanalig, mangyaring ipagbibigay alam sa mga kinauukulan kung sila po ay inyong makilala upang mapigilan sa kanilang masamang gawain,” ani ng pari. Sa mga nais magpaabot ng kanilang intensyon para sa healing mass ng himpilan mangyaring tumawag sa 8925-7931 local 129 o magtext sa 0917-631-4589 at hanapin si Renee Jose para sa lehetimong transaksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 110,341 total views

 110,341 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 140,563 total views

 140,563 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 167,211 total views

 167,211 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 262,184 total views

 262,184 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 276,054 total views

 276,054 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top