Maging mabuting taga-pangalaga ng kalikasan, hamon ni Bishop Ongtioco sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Tayo’y mga katiwala lamang ng likas na yamang nilikha ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco kaugnay sa pagdiriwang ng Laudato Si Week 2021 na nagsimula noong Mayo 16 at magtatapos sa ika-25 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Ongtioco, bilang mga Katolikong Kristiyano ay pinagsisikapan ng bawat isa na maging maka-Diyos, makatao, makabayan at higit sa lahat ay ang pagiging makakalikasan.

Sinabi ng Obispo na katulad ng pangangalaga ng tao sa sariling kalusugan ay pangalagaan at mahalin din ng bawat isa ang ating inang kalikasan laban sa mapanirang paraan.

“Ang kalikasan ay ang ating ikalawang tahanan o our second home. Gusto natin maging maayos ang ating bahay at kalusugan kaya ingatan po natin at alagaan at huwag abusuhin ang kalikasan para sa ating kapakanan at para sa mga sumusunod na henerasyon,” mensahe ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas para sa pagdiriwang ng Laudato Si Week 2021.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Binigyang-diin naman ni Bishop Ongtioco na hindi pagmamay-ari ng tao ang kalikasan kaya wala itong karapatang sirain at abusuhin nang basta-basta para lamang sa sariling kapakanan upang pagkakitaan.

Ito’y ipinagkatiwala lamang sa atin ng Poong Maykapal upang higit pang mahalin, pangalagaan at pagyamanin.

“Ipinagkatiwala ng Diyos ito sa atin kaya hindi natin pag-aari ito. Tayo ay mga katiwala lamang at hindi tayo ang may ari nito. Kung papaano natin ginagalang at iniingatan ang ating katawan, ganun sana po ang ating pagpapahalaga sa inang kalikasan,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na hindi lamang sa loob ng isang linggo, kundi pang-habambuhay na gunitain ang Laudato Si Week upang maipakita ang lubos na paggalang at pag-iingat sa likas na yamang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Ipinagdiriwang ng simbahan ang Laudato Si Week 2021 bilang paggunita sa ikaanim na anibersaryo ng ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na unang nilagdaan noong Mayo 24, 2015.

Tema nito ang “Celebrating Change”, kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na natatanging pagkakataon upang ipagdiwang ang naging gampanin ng simbahan sa pagsasabuhay ng turo ng Laudato Si at ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 83,984 total reads

 83,984 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,827 total reads

 161,827 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,275 total reads

 195,275 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,573 total reads

 230,573 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,792 total reads

 453,792 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,919 total reads

 157,919 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top