Palaganapin ang diwa ng kawanggawa, panawagan ni Bishop Bendico sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na higit palaganapin ang kawanggawa sa lipunan.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Baguio Bishop Victor Bendico, chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Liturgy binigyang diin nito na ang paglingap sa kapwa partikular sa higit nangangailangan ay isang gawaing kalugod-lugod sa Panginoon.

Ito ang tugon ng obispo sa lumaganap na ‘community pantries o kindness stations’ sa buong bansa na tumutulong makapagbigay ng pagkain sa mamamayan na labis naapektuhan ng krisis pangkalusugan.

Ayon sa opisyal, ang pagtulong sa kapwa ay nakaugat sa dakilang pag-ibig ng Panginoon at pagsasakatuparan sa misyon ni Hesus sa sanlibutan na tulungan ang mahihina at mahirap na sektor ng pamayanan.

“Let us continue to be charitable, to be kind, to be compassionate to our brothers and sisters for they reflect the true heart if God. They are signs of God’s kingdom here on earth,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

[smartslider3 slider=22]

Marso 2020 kasabay ng pagpatupad ng community quarantine sa buong bansa nagtatag ang Cartias Philippines ng mga kindness stations sa iba’t ibang diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariate.

Bukod pa ito sa ginagawang relief operations ng Caritas Manila katuwang ang business sector na namahagi ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng gift certificates, food items at hygiene kits sa mga maralitang tagalunsod kung saan humigit kumulang sampung milyong indibidwal ang natulungan.

Nitong Abril 2021 naman sinimulan ni Ana Patricia Non ang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na agad lumaganap sa buong bansa at kasalukuyang umabot na sa isanlibong community pantries.

Iginiit ni Bishop Bendico na ang nasabing gawain ay paalala sa bawat isa na ang kawanggawa ay mabuting bunga sa pagibig ng Diyos.

“They remind us that at the end of our earthly pilgrimage, our love for God and neighbors yield fruits that are lasting,” dagdag ni Bishop Bendico.

Tiniyak ng simbahan ang pagpapatuloy ng mga gawaing makatutulong maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa epekto ng coronavirus pandemic lalo na sa pagpapalago ng espirituwalidad ng bawat mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,004 total reads

 84,004 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,847 total reads

 161,847 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,295 total reads

 195,295 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,593 total reads

 230,593 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,812 total reads

 453,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top