Legacy ni Msgr.Vengco, kinilala

SHARE THE TRUTH

 522 total views

Inilarawan ni Mariologist priest Fr. Yulito Ignacio ng Pueblo Amante de Maria Mariological Marian Society of the Philippines (PAMMMSPhil) na marian in action ang namayapang si Msgr. Sabino Vengco.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Ignacio na tapat at butihing pastol ng simbahan ang pari na naglilingkod sa Panginoon hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Sinabi nitong ito ay pagsasabuhay sa mga halimbawa ni Maria na buong pusong nagpuri at naglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa.

“Si Msgr. Vengco ay isang mariologist and marian in action, a pillar of theology and mariology; larawan siya ni Maria na gumagawa, naglilingkod, at nagmamahal sa kanyang anak na si Hesus,” pahayag ni Fr. Ignacio sa Radio Veritas.

PSD Toktok

Pumanaw si Msgr. Vengco nitong Mayo 17, 2021 ganap na alas dos ng hapon sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa komplikasyon.

Hinikayat ni Fr. Ignacio ang mananampalataya na palalimin ang debosyon sa Mahal na Birhen na gagabay tungo sa kanyang anak na si Hesus tulad ng mga halimbawa ni Msgr. Vengco na buong tapang inihayag ang salita ng Diyos.

“Tularan natin si Msgr. Vengco na hindi natakot ipahayag si Kristo sa anumang dako siya pumaroon, sa radyo at telebisyon; buong sumunod kay Hesus sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria,” ani Fr. Ignacio.

Matatandaang noong Marso ay isinugod sa pagamutan si Msgr. Vengco matapos mahawaan ng COVID-19 subalit gumaling at nakalabas nitong Mayo.

Mayo 11 nang muling isugod ang pari sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan at sumailalim sa gallbladder surgery nitong Mayo 13.

Ibinahagi ni Fr. Ignacio na nauna nang tumanggap ng sakramento ng pagpapahid ng banal na langis si Msgr. Vengco sa pamamagitan ni Fr. Jun Abogado ng health ministry ng Archdiocese of Manila habang nabigyan din ito ng pagbabasbas ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bago pumanaw.

Inordinahang pari si Msgr. Vengco noong 1966 sa ilalim ng Diyosesis ng Malolos. Kilala ang pari sa kawanggawa kabilang na ang pagtatag sa ‘Kadiwa sa Pagkapari Foundation’ na tututok at mangangalaga sa mga matatanda at retiradong mga pari at obispo lalo na ang mga may karamdaman.

Itinatag ng pari ang Ephesus Ministry para lingapin ang mga retiradong diyosesanong pari sa buong bansa at suportahan ang kanilang pangangailangan. Sa mahigit limang dekadang paglilingkod ni Msgr. Vengco tumanggap ito ng iba’t ibang pagkilala dahil na rin sa masigasig nitong pagpapahayag ng salita ng Diyos.

Kabilang na rito ang “Dangal ng Lipi (Panglilingkod sa Pampamayanan) na iginawad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan noong 2010. Kinilala rin ito San Jose Seminary o “San Jose Award” noong 2009 dahil sa pagpapaigting ng pagtuturo sa mga seminaryo katuwang sa paghubog ng mga magpapari at “Gawad Sagisag Quezon” mula sa Komisyon sa Wikang Pilipino dahil sa paggamit ng wikang Filipino sa Mass Media.

2007 nang tanggapin ng pari ang “Serviam” award ng Catholic Mass Media Awards dahil sa iba’t ibang programa sa radyo at telebisyon na pagbabahagi ng kristiyanismo sa bansa.

Kilalang manunulat din si Msgr. Vengco kung saan karamihan sa mga aklat ay tungkol sa debosyon sa Mahal na Birhen at huling sinulat nito ang ‘Shaping the Marian Piety’ bilang ambag sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang pari sa Libingan ng mga Paring Taga-Hagonoy sa Mayo 22 pagkatapos ng requiem mass sa ala una ng hapon na pangungunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,839 total views

 50,839 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 56,257 total views

 56,257 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 62,964 total views

 62,964 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 77,757 total views

 77,757 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 83,913 total views

 83,913 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Tanggapin ang espiritu santo, paanyaya ni Bishop Pabillo

 438 total views

 438 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagtanggap sa Espiritu Santo. Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng simbahan sa Linggo ng Pentekostes kung saan ang pananahan ng Banal na Espiritu sa bawat isa ay paraan upang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

 837 total views

 837 total views Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024. Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP, pinuri ang Civilian-led mission sa WPS

 971 total views

 971 total views Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mainam na paraan ang pagkakaisa ng mga ordinaryong Pilipino sa West Philippine Sea sa halip na paigtingin ang armadong pwersa ng bansa. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virglio David ang pagpapakita ng mga sibilyang Pilipino sa pagmamalasakit sa karagatan ng WPS

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 1,336 total views

 1,336 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 1,402 total views

 1,402 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 2,126 total views

 2,126 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 2,149 total views

 2,149 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 3,795 total views

 3,795 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

 7,167 total views

 7,167 total views Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 7,768 total views

 7,768 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 4,967 total views

 4,967 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 7,300 total views

 7,300 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 7,386 total views

 7,386 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 7,886 total views

 7,886 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top