Military Ordinariate of the Philippines, hinimok ang mga pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa na hingin ang gabay ng Espiritu Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Tiniyak ng pinuno ng Military Ordinariate of the Philippines na patuloy ginagabayan ng Panginoon ang sanlibutan sa iba’t ibang hamong kinakaharap.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio tinupad ni Hesus ang habilin nitong ipapadala ang Banal na Espiritu na magsisilbing gabay ng sangkatauhan.

“The Holy Spirit will enlighten us, ito ang magbibigay liwanag sa ating landas lalong lalo na sa pagtahak natin nitong COVID 19 crisis,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pagninilay ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes ang ika – 50 araw mula sa Linggo ng Muling Pagkabuhay at pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol.

[smartslider3 slider=21]

Itinuring ni Bishop Florencio na kalakasan ng simbahan ang Banal na Espiritu na nanatiling gabay sa paglalakbay kung saan tinaguriang kaarawan ng simbahan ang nasabing pagdiriwang.

Hamon ng obispo sa mananampalatayang pinanghihinaan dahil sa pandemya na hingin ang paggabay ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang lumakas at tumibay ang tumatamlay na pananampalataya.

Batay sa tala ng World Health Organization mahigit 264 milyong indibidwal sa buong mundo ang nakararanas ng depresyon na pinalubha pa ng pandemya kung saan halos 85 porsyento rito ang hindi natutugunan dahil sa kakulangan ng access sa pagpapagamot.

Paliwanag pa ng obispo bagamat walang katiyakan na manumbalik sa normal ang lipunan, nakatitiyak naman itong may liwanag na hatid ang Banal na Espiritu na tatanglaw sa mamamayan.

Hinikayat din nito ang bawat isa na harapin ang mga pagsubok at makiisa sa paghihirap ng simbahan tulad ng mga halimbawa na ipinakita ni Hesus sapagkat ito ang magpapatibay sa pananampalataya ng bawat isa.

“The more sacrifices, the more sufferings that we have ang pananampalataya natin ay tumitindi at lumalago because the Holy Spirit helps us in purification,” ani Bishop Florencio.

Inaanyayahan ni Bishop Florencio ang mananampalataya na dumalo sa Banal na Misa sa Linggo ng Pentekostes sa simbahan para sa mga pinahihintulutang makadalo sa 30 porsyentong kapasidad ng simbahan kasabay ang paalala na sundin ang safety health measures upang makaiwas sa pagkahawa.

Sa mga hindi makadadalo ng pisikal sa Banal na Misa ay hinikayat na makiisa sa online livestreaming sa mga social media pages ng bawat parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,938 total reads

 93,938 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 171,084 total reads

 171,084 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 204,532 total reads

 204,532 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,831 total reads

 239,831 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,713 total reads

 462,713 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top