vaccine

3.5-bilyong COVID-19 vaccine, ibibigay sa mga mahihirap na bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 310 total reads

Nangakong maglalaan ng 3.5-bilyong COVID-19 vaccine ang mga kumpanyang Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson para sa mga mahihirap na bansang hirap makakuha o makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa isinagawang G20 Health Summit, sinabi ng tatlong kumpanya na maglalaan ito ng vaccines sa mga mahihirap na bansa at ipagbebenta sa murang halaga.

Magpapadala ng dalawang bilyong doses ng vaccine ang kumpanyang Pfizer, kabilang na rito ang isang bilyong doses ngayong taon; habang ang Moderna naman ay maglaan ng nasa 95 milyong doses ngayong taon at nasa 900 milyon naman para sa taong 2022.

Mayroon namang kasunduan ang Johnson & Johnson sa COVAX na maglalaan ito ng hanggang 200 milyong doses ng vaccine ngayong taon at tinalakay ang pagdaragdag pa ng 300 milyong doses, kung saan 500 milyong doses na ang kabuuang mailalaan ng nasabing kumpanya.

Kaugnay nito’y nauna nang nakapaglaan ng 100 milyong vaccines ang European Union para sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo.

[smartslider3 slider=21]

Samantala, dito naman sa Pilipinas ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga donated Pfizer BioNTech COVID-19 vaccines ay ilalaan sa mga mahihirap na komunidad.

Sang-ayon ito sa inilatag na kondisyon sa global aid COVAX facility na pinagmulan ng 193,050 doses ng nasabing vaccines.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), ang Pfizer-BioNTech ay may efficacy rate na 95-porsyento sa study population at 92-porsyento naman sa across all races.

Sa panig naman ng Simbahang Katolika, nauna na nitong panawagan na nawa’y unahin at pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga mahihirap upang mabigyan ng suporta at maibilang sa mga libreng makakatanggap ng COVID-19 vaccine para maging ligtas sa banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,403 total reads

 18,403 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,117 total reads

 19,117 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,575 total reads

 36,575 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 73,953 total reads

 73,953 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,221 total reads

 105,221 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,182 total reads

 180,182 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,585 total reads

 272,585 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,552 total reads

 74,552 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top