LASAC, nakahanda sa epekto ng bagyong Dante sa Batangas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Naghahanda na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa posibleng epekto ng bagyong Dante sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Christopher Ocampo, Disaster Management In-charge ng LASAC, kanilang ginagawa ang information dissemination sa pamamagitan ng LASAC FB Page upang agad na mabigyan ng babala ang mga residente hinggil sa pagdating at maaaring maging epekto ng bagyong Dante.

Nakahanda na rin ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga maaapektuhang residente sakaling palikasin na ang mga ito.

“As of now, ready naman ang ating mga relief good if in case na magkaroon tayo ng relief operations… ‘Yung iba po nating staff ay pinatawag na natin sa ating mga social action coordinators sa mga parishes para po sa paghahanda nila,” pahayag ni Ocampo sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy Officer ng LASAC na hindi pa ipinag-uutos ng lokal na pamahalaan ang paglikas sa mga residente bagamat nasa ilalim na ng signal no. 2 ang silangang bahagi ng Batangas.

Sinabi ni Tangonan na maroong nakahandang 2,000 family assistance package ang LASAC bilang pantulong sa mga maaapektuhang pamilya. “… Sa Eastern portion ng Batangas ay Signal No. 2. We were informed na as of the moment, wala pang mandatory evacuation ang LGU. On our end, may naka stockpile and preposition po tayong 2,000 family assistance package kung kakailanganin,” pahayag ni Tangonan.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 kilometro ng timog-silangang bahagi ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Ito’y may lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour mula sa sentro ng bagyo at may pagbugsong aabot sa 90 km/h sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Inaasahan namang magla-landfall at magdudulot ng malalakas na pag-uulan ang bagyong Dante sa Batangas mamayang alas-singko ng hapon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,233 total reads

 19,233 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,878 total reads

 19,878 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,853 total reads

 37,853 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 75,231 total reads

 75,231 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,499 total reads

 106,499 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 181,364 total reads

 181,364 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,707 total reads

 273,707 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,617 total reads

 74,617 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top