Basura at river reclamation, itinuturong dahilan ng pagbaha sa Maasin city

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,012 total reads

Basura at river reclamations ang maaring dahilan ng mataas na pagbaha sa Maasin City makaraan ang pananalasa ng bagyong Dante.

Ayon kay Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin, kumitid ang daluyan ng mga tubig dahil na rin sa reclamation at pagpapagawa ng riprap sa mga ilog.

At dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyo ay umapaw ang ilog kasama na ang mga basura.

“Kino-call out na rin natin… we are in talking terms with the DPWH as of the moment, nakikita din nila yun tsaka in the coming days yata ay we will ask for updates regarding our observations as to the, yung mga nirereclaim na rivers. So ‘yun talaga ang isa sa pinakaproblema,” ayon kay Fr. Harlem sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Dagdag pa ng pari, ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng limang taon na umabot ng hanggang sa leeg ang taas ng baha sa lungsod.

Tinatayang may 11 pangunahing ilog sa Maasin, Southern Leyte kabilang na ang Canturing sa Maasin City.

BACK TO NORMAL

Higit naman sa 10 libong katao ang pansamantalang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig.

Ayon kay Fr. Gozo, karamihan sa mga naapektuhang residente ay lumikas sa parokya kung saan 1,651 mga bahay sa Maasin City ang binaha dulot na rin ng pag-apaw ng ilog.

Ayon sa pari, umabot ang taas ng tubig ng hanggang sa leeg lalu na sa mga pamayanang malapit sa ilog kung saan hindi rin nakaligtas sa mga binaha ang mga commercial establishment sa lungsod.

Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Gozo ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residente sa paghupa ng baha.

Patuloy namang ang isinagawang assessment ng social action center sa iba pang nasasakop na lugar ng diyosesis upang makita ang kalagayan ng mga naapektuhan ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,423 total reads

 90,423 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,453 total reads

 184,453 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,721 total reads

 228,721 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,830 total reads

 251,830 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,879 total reads

 322,879 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top