Isabatas na ang Single Use Plastic Products Regulation bill.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Binigyang-diin ng grupong Oceana Philippines na mahalagang agarang maisabatas ang Single-use Plastic Products Regulation Bill upang mabawasan ang panganib na dala ng mga plastic sa ating kapaligiran.

Ayon kay Atty. Gloria Estenzo Ramos, vice president ng grupo na batid nang lahat na nasa bawat mamamayan ang responsibilidad para mapanatili ang kalinisan ng ating kalikasan.

Ngunit kinakailangan nito ang mas pinaigting na pagtutulungan at epektibong pagpapalaganap ng iba’t ibang impormasyon upang makatulong sa agarang pagpasa ng batas hinggil sa tuluyang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics.

“We know that the solution is in our hands but we need to work harder, work together, collaborate, and it’s important to have consumers who are informed, and fully engaged in decision-making, ito ‘yung kailangang magawa natin,” pahayag ni Atty. Ramos.

Tinukoy naman ni Atty. Ramos na dapat maglabas ang National Solid Waste Management Commission ng mga listahan ng mga produktong mayroong plastic packaging na lubhang nagdudulot ng malaking ambag sa plastic pollution at basura sa kapaligiran.

Paliwanag ng opisyal na mahaba-haba pang proseso ang pagdadaanan upang tuluyang mapigilan ang paglaganap ng plastic pollution gayundin ang matiyak na ito’y hindi na magdulot ng malaking epekto sa kalusugan ng tao at ang nararanasang climate change.

“Our call is to really stop plastic pollution at the source. The National Solid Waste Management Commission should already issue the list of non-environmentally acceptable products and packaging. This will go a long way in stopping plastic pollution at the very source,” ayon kay Atty. Ramos.

Samantala, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 9147 o ang Single-Use Plastics Products Regulation Act na layong mapigilan ang paglikha at ang paggamit sa iba’t ibang uri ng plastik sa mga susunod na taon.

Batay sa survey ng Social Weather Station, pito sa sampung Filipino ang sang-ayon na itigil na ang paggamit ng mga single-use plastic sa bansa. Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,297 total reads

 84,297 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,456 total reads

 178,456 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,724 total reads

 222,724 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,833 total reads

 245,833 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,163 total reads

 317,163 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,940 total reads

 146,940 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top