Health at safety ng mananampalataya, prayoridad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 296 total views

Patuloy ang mahigpit na pagsunod ng Arkidiyosesis ng Cebu sa pag-iingat laban sa COVID-19 transmission.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, mahigpit nilang sinusunod ang mahigpit na panuntunan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Local Government Units (LGU) upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa Arkidiyosesis.

Sinabi ng Arsobispo bagamat nais na ng mga mananampalatayang personal na dumalo sa mga banal na pagdiriwang ay kanila pa ring hinihikayat na manatili sa mga tahanan at makibahagi sa online live streaming.

“As a general rule, we tell the priests to follow IATF and LGU regulations. ‘Yun ‘yung number one kasi we don’t want to bargain or to argue kasi we believe they know better. We try to explain to the people, yes, expressions of faith are important pero as regards to the studies and recommendations regarding care and how we can best observe health protocols, we follow IATF recommendations,” pahayag ni Archbishop Palma sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ni Archbishop Palma na palagi rin nilang ipinapaalala sa mananampalataya na panatilihin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, maging ang pagsunod sa social distancing tuwing dadalo sa mga banal na pagdiriwang.

Iginiit ng Arsobispo na kahit na kumpleto na sa COVID-19 vaccine, dapat pa ring sundin ang health protocols na ito upang mapanatili ang kaligtasan sa COVID-19.

“Even before the Mass, we tell the people, please wear masks. Ako nga dalawang beses na akong na-vaccinate, I still wear a mask. You have received the vaccinations, you still need to wear masks… Generally, we do wear mask and then social distancing as much as possible,” saad ng Arsobispo.

Ibinahagi rin ni Archbishop Palma, na siya ring Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on International Eucharistic Congress, ang patuloy na pamamahagi ng tulong at suporta sa mga higit na nangangailangan na higit ring apektado ng umiiral na krisis dulot ng pandemya.

“We continue sharing, especially feeding programs that we can do just to help, especially those who find the pandemic a challenging situation with regards to food availability,” ayon kay Archbishop Palma.

Batay sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 56,452 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cebu kung saan naitala rito ang 68 panibagong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 32,921 total views

 32,921 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 206,855 total views

 206,855 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 184,488 total views

 184,488 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 247,398 total views

 247,398 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 264,713 total views

 264,713 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top