Mamamayan, pinag-iingat sa volcanic smog

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total reads

Patuloy na nararanasan sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan ang volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal sa Batangas na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng tao. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagsimulang magbuga ng sulfur dioxide (SO2) gas ang bulkang Taal noong Hunyo 28 kung saan naitala ang nasa 14,326 na toneladang antas nito.

Paliwanag ng PHIVOLCS, ang SO2 ay binubuo ng sulfur o asupre at oxygen, at isa sa karaniwang volcanic gases na nagmumula sa aktibong bulkan. Ito ay acidic at nagdudulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at ilong kung kaya’t ito ay mapanganib kapag matagal na nalantad dito.

Lubha naman itong ikinabahala ng grupong Greenpeace Philippines na kanilang ibinahagi sa isang facebook post ang mga larawan kung saan makikita ang maulap at malabong kalangitan sa Metro Manila at karatig na mga lugar.

Batay sa pagsusuri ng grupo, naitala kahapon ang mas malalang antas ng air pollution sa Metro Manila na kanilang ikinumpara sa Cebu at Quezon Province kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga coal-fired power plants na nagbubuga ng marumi at mapanganib na usok.

Dahil dito, hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa panganib na dala ng vog sa pamamagitan ng pagsusuot ng N95 face mask o gas masks, pag-inom ng maraming tubig at pagpapatingin sa doktor kung kinakailangan.

Gayundin ang paglayo sa pinanggagalingan ng volcanic gas at hangga’t maaari ay manatili na lamang muna sa loob ng mga tahanan.

Samantala, ayon naman sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa Alert level 2 ang bulkang Taal kung saan naitala sa loob ng 24 na oras ang 10 volcanic earthquakes sa paligid nito.

Patuloy namang pinapaalala ng ahensya ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island o Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 179,062 total reads

 179,062 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 208,227 total reads

 208,227 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 242,348 total reads

 242,348 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 298,752 total reads

 298,752 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,030 total reads

 183,030 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top