Pope Francis, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 936 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga Filipino partikular na sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong ika-24 ng Hunyo, 2021.

Sa mensaheng ipinaabot ng Santo Papa sa Malacañang ay ibinahagi ni Pope Francis ang kanyang buong pusong pakikiramay sa pagpanaw ng dating pangulo ng Pilipinas.

“Saddened to learn of the death of former President Benigno Simeon C. Aquino III. I extend my heartfelt condolences to the people of the Philippines.” Ang bahagi ng ipinaabot na mensahe ni Pope Francis sa pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaalala rin ni Pope Francis ang naging serbisyo ng dating Pangulong Noynoy Aquino na kanyang personal na nakaharap at nakadaupang palad ng dalawang beses noong 2015.

Tiniyak naman ni Pope Francis ang pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng dating pangulo sa piling ng Panginoon at maging ang katatagan ng kanyang mga naiwang kaanak at mahal sa buhay.

“Recalling the late President’s service to the nation, I commend his soul into the hands of the all-merciful God. Upon his family and all who mourn in his passing I invoke abundant consolation and peace in the Lord,” Dagdag pa ni Pope Francis.

Unang nagkaharap ng personal ang Kanyang Kabanalan Francisco at si dating Pangulong Noynoy Aquino noong Enero ng taong 2015 ng personal na nagtungo sa Pilipinas si Pope Francis para sa kanyang Apostolic Visit upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag at awa ng Panginoon.

Sinundan naman ito ng muling pagkikita ng dalawang opisyal noong Disyembre ng parehong taong 2015 ng magtungo sa Vatican si dating Pangulong Aquino kung saan natalakay ng dalawa ang mga usapin ng kapayapaan sa Mindanao, Climate Change at patuloy na rehabilitation sa mga biktima ng super Typhoon Yolanda.

Una ng pinasalamatan at kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si dating Pangulong Noynoy Aquino sa naging buong suporta nito sa Simbahang Katolika lalo na sa mahahalagang gawain tulad ng Canonization ni Blessed Pedro Calungsod noong 2012, Apostolic Visit ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, at 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City noong 2016.

Pumanaw ang 61-taong gulang na si dating Pangulong Aquino ganap na alas-sais y medya ng umaga noong Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 178,223 total reads

 178,223 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 207,434 total reads

 207,434 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 241,556 total reads

 241,556 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 297,960 total reads

 297,960 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 40,810 total reads

 40,810 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top