ATM, ipinahayag ang tiwala at suporta kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Inaasahan ng makakalikasang grupong Alyansa Tigil Mina na magiging makabuluhan ang pagpapastol ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, hindi lamang sa Simbahan, kundi maging sa pagpapalaganap ng malasakit sa kalikasan.

Ayon kay Jaybee Garganera, national coordinator ng grupo, ang talino at paninindigan ni Cardinal Advincula ay tiyak na makatutulong upang mapakinggan ang hinaing ng kalikasan, maging ng mga nasa mahihirap na komunidad na lubhang apektado ng iba’t ibang pangyayari sa kapaligiran.

“Ngayong panahon ay humaharap tayo dito sa makabagong hamon ng nagbabagong klima – modern challenge of climate change. So alam naman natin na ang gusto nating direksyon ay kung paano natin mapapangalagaan ‘yung sangnilikha… Alam namin na ‘yung talino, ‘yung conviction at commitment ni Cardinal Advincula ay naririyan para pangunahan tayong lahat,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, dalangin naman ng grupo na nawa’y si Cardinal Advincula ay patuloy na pagkalooban ng lakas ng loob at patnubayan ng Panginoon sa kanyang panibagong misyon sa Simbahan.

Gayundin ang pagkakaroon ng tamang pamumuno na makatutulong para mahikayat ang mga mananampalataya sa pagbabagong kinakailangan ng kalikasan upang ito’y lubos na mapangalagaan para sa kapakinabangan ng lahat at ng susunod na henerasyon.

“Nananalangin tayo na biyayaan ng Panginoon natin si Cardinal Advincula nung lakas ng loob at nung tamang pamumuno para lahat tayo ay maabot natin yung ecological conversion na inaasam nating lahat,” saad ni Garganera.

Maiuugnay ang Episcopal motto ni Cardinal Advincula na “Audiam” o ang ibig sabihi’y nakahanda itong makinig, sa mensaheng nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pakikinig sa hinaing ng mundo at mga mahihirap.

Kilala rin ang Cardinal sa kanyang pagiging makakalikasan dahil ito’y dalubhasa sa iba’t ibang uri ng matatandang puno, kaya ninanais niyang maipalaganap ang pagtatanim ng mga ito upang makatulong sa pagpapanatili ng ating nag-iisang tahanan.

Hunyo 24, 2021 nang italaga si Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 89,946 total reads

 89,946 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,265 total reads

 167,265 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,713 total reads

 200,713 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,012 total reads

 236,012 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,033 total reads

 459,033 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,101 total reads

 158,101 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top