Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, inaanyayahan ng CBCP na makiisa sa paggunita ng World Day of Grandparents and the Elderly

SHARE THE TRUTH

 397 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life ang manamayan na makibahagi sa paggunita ng kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly na idineklara ni Pope Francis sa ika-25 ng Hulyo, 2021.

Inaasahan ang pakikipagtulungan ng kumisyon sa CBCP-Episcopal Commission on Youth at Liturgy gayundin sa Catholic Grandparents Association of the Philippines para sa pagsasagawa ng isang three-day virtual national conference of grandparents and the elderly mula ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo.

Ang pagsasagawa ng virtual national conference ay bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kung saan ipinagbabawal pa rin ang mass gathering.

“The Episcopal Commission on Family and Life has partnered with the Episcopal Commission on Youth and on Liturgy and with the Catholic Grandparents Association (CGA) of the Philippines to offer a three-day virtual conference from 22 to 24 July 2021. Everyone is invited, especially the elderly and the young.” Ang bahagi ng paanyaya ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life.

Tampok sa nasabing three-day virtual conference ang pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng pananampalatayang Kristiyano at pag-uugali sa bawat pamilya.

Tema ng idineklarang kauna-unahang World Day for Grandparents and the Elderly ni Pope Francis ang “I am with you always” na naglalayong bigyang diin ang pagiging malapit ng Simbahan at ng mismong Panginoon sa bawat isa partikular na sa mga nakatatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Pope Francis, malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa kaya naaangkop lamang ang pagkilala at pagbibigay halaga sa kanilang malaki at makabuluhang kontribusyon hindi lamang sa lipunan kundi maging sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Nakatakda ang kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-25 ng Hulyo na malapit sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,773 total views

 13,773 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,873 total views

 21,873 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,840 total views

 39,840 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,102 total views

 69,102 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,679 total views

 89,679 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 173 total views

 173 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 993 total views

 993 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,474 total views

 6,474 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top