Diocese of San Pablo, doble ang pag-iingat laban sa COVID-19 delta variant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total reads

Muling nilimitahan sa 10-percent seating capacity ang mga religious gatherings sa lalawigan ng Laguna kabilang na ang mga parokyang sakop ng Diyosesis ng San Pablo.

Ito’y matapos muling ipatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa buong lalawigan mula kahapon, hanggang Agosto 15, 2021.

Ito’y pagtalima ng Diocese of San Pablo sa pag-iingat bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at banta ng Delta variant.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, patuloy na ipinapatupad sa buong Diyosesis ang mga health and safety protocols upang mabantayan at matiyak na ligtas ang bawat mananampalataya sa banta ng COVID-19.

“Tulad ng dati, sinusunod ng Diocese ang mga protocol ng IATF para sa MECQ,” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Famadico na nawa’y patuloy na gabayan at iligtas ng Panginoon ang bawat isa laban sa kapahamakan at panganib na dala ng COVID-19 lalo’t higit sa banta ng Delta variant.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, kinumpirma nito ang 36 na kaso ng COVID-19 Delta variant sa Region 4A o CALABARZON.

Naitala sa Laguna ang 17-kaso ng Delta variant – ang pinakamataas sa buong rehiyon; sinundan naman ito ng siyam na kaso sa Cavite; anim na kaso sa Batangas; apat sa Rizal, habang wala namang naitala sa Quezon.

Sa kabuuang bilang, umabot na sa 67,064 ang kaso ng COVID-19 sa Laguna, kung saan 2,851 rito ang aktibo, at 407 naman ang panibagong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,413 total reads

 90,413 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,697 total reads

 167,697 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,145 total reads

 201,145 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,444 total reads

 236,444 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,447 total reads

 459,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,119 total reads

 158,119 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top