Cardinal Advincula, hiniling na ipagdasal ang kaligtasan ng bawat isa mula sa karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Hiniling ng arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa anumang banta ng karahasan sa lipunan.

Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalaga ring ipanalangin sa Diyos ang pagpapanibago ng mga indibidwal na nagpapalaganap ng kasamaan at kapahamakan ng kapwa. Ang mensahe ng Cardinal ay kaugnay sa ulat na pagpapadala ng sulat sa Kanyang Kabanalan Francisco na naglalaman ng tatlong bala ng baril.

“Ipanalangin natin na hipuin ng Diyos ang puso ng mga taong naghahasik ng takot, karahasan, kasinungalingan at lumalabag sa karapatang-pantao,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng awtoridad ng Milan Italy, taglay ng envelope ang French stamp na naka-address sa “The Pope, Vatican City, St. Peter’s Square in Rome.

Taglay ng sulat ang tatlong bala ng 9mm na baril at mensahe kaugnay sa financial operations ng Vatican. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan isang hindi pinangalanang Fench national ang suspek. Hinimok naman ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na ipanalangin ang kaligtasan ni Pope Francis sa gitna ng banta ng kanyang seguridad.

“Bagamat iniimbestigahan pa kung saan nanggaling at ano ang motibo ng envelope na may tatlong bala para kay Pope Francis, patuloy nating ipanalangin ang kanyang kaligtasan,” ani Cardinal Advincula.

Magugunitang May 13, 1981 nang barilin si Saint John Paul II sa St. Peter’s Square habang nagsagawa ng kanyang lingguhang general audience.

Nadakip ang suspek na si Mehmet Ali Agca isang Turkish national na gumamit din ng 9mm Browning automatic na uri ng baril.

Kaugnay dito, hiniling ng simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang Santo Papa na namumuno sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong daigdig gayundin ang mga pastol na nangangasiwa sa bawat simbahan sa buong mundo.

Patuloy na naninindigan ang simbahang katolika para sa pagkakaisa at kapayapaan ng buong pamayanan at iginiit na dapat iwaksi ang anumang uri ng karahasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,802 total reads

 14,802 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,802 total reads

 15,802 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,715 total reads

 31,715 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,092 total reads

 69,092 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,361 total reads

 100,361 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,600 total reads

 175,600 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,288 total reads

 268,288 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,804 total reads

 14,804 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top