Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na isulong ang renewable energy

SHARE THE TRUTH

 1,208 total views

Hinikayat ng Oxfam Pilipinas ang publiko na isulong ang paggamit ng renewable energy sa gitna ng patuloy na banta ng Climate Change.

Sa panayam ng programang “Dapat All Equal” kay Maria Rosario Felizco, Country Director ng Oxfam Philippines, sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng kaalaman at pakikibahagi ang mamamayan sa pagsusulong na mas gamitin ang renewable energy dahil na rin sa hindi mapigilang pagbabago sa ating klima na siyang nagdudulot ng mga mapaminsalang kalamidad at labis na epekto sa kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan.

Naniniwala si Felisco na kailangan ng suporta at pakikilahok ng taongbayan upang mas tumibay ang pagsusulong na gawing prayoridad ang paggamit ng renewable energy.

“Ito ang madalas natin sinasabi sa Oxfam na iisa lamang ang ating planeta wala naman tayong lilipatan kaya wala tayong choice kundi gawin ang makakaya natin para mas lalo pa natin mapigil yun lalong mapaminsala na climate change kaya lahat tayo ay may dapay ibahagi alamin ang issue sa climate change ating isulong ang mga alternatibong solusyon gaya ng renewable energy” paliwanag ni Felizco.

Tiniyak din ng tagapamuno ng Oxfam Philippines na patuloy silang magsasagawa ng mga programa o proyekto na makakatulong sa mga mahihirap at mga nasa malalayong komunidad gamit ang mga makabagong pamamaraan na hindi magdudulot ng labis na pinsala sa ating mundo.

“sinusulong natin ang paggamit ng renewable energy kung saan halimbawa may tinutulungan tayong mga komunidad sa Eastern Samar para magamit ang renewable energy, meron tayong tinutulungan na mga komunidad sa Maguindanao na sila naman ay mga binabaha at meron din conflict sa kanilang mga area, meron tayong binigay na mga solar generators at solar lamps, mahalaga yun sa kanila kasi wala silang ibang pinagkukunan nun mga solar powered na loudspeakers at sa Camarines Sur naman binigyan natin ang mga magsasaka ng ‘solar rice dryer’ kaya puwede sila magpatuyo ng palay kahit umuulan gamit ang solar.” Dagdag pa ni Felizco.

Batay sa pag-aaral, isa ang Pilipinas sa 10 mga bansa sa buong mundo na pinaka nakakaranas ng displacement o paglikas sa mga tirahan dahil sa mga mapaminsalang kalamidad na epekto ng nagbabagong klima.

Ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay masigasig din na isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan at paggamit ng renewable energy kung saan ilang mga Simbahan na sa Visayas at Mindanao ang gumagamit nito.

Mapapakinggan ang bagong programa na ‘Dapat all Equal’ ng Oxfam Pilipinas sa Radio Veritas 846 tuwing ika-4 na Miyerkules ng buwan at mapapanood din sa Veritas846.ph facebook page.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,833 total views

 15,833 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,501 total views

 24,501 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,681 total views

 32,681 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,680 total views

 28,680 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,731 total views

 40,731 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,851 total views

 21,851 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 40,053 total views

 40,053 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top