Kalikasan, lubhang apektado ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,004 total views

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang coronavirus pandemic ay hindi lamang sa kalusugan ng tao at ekonomiya ng bansa nakakaapekto.

Ayon kay CBCP-Permanent Committee on Public Affairs chairman at Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ang pandemya ay nagdudulot din ng masamang epekto sa kalikasan at maaari pang magdulot nang mas matinding panganib sa mga tao.

Paliwanag ng Obispo, ito’y bunsod ng mga nalilikhang basura ng mga tao mula sa mga gamit na face masks, face shields at personal protective equipments bilang pag-iingat sa COVID-19, gayundin ang mga plastic mula sa mga produkto ng online shopping.

“Bagama’t may naidulot na positibong bahagi ang pandemya katulad ng low carbon emissions ng sasakyan at pabrika… nadagdagan naman nang malaki ang basura dulot ng mga ginamit na face masks, face shields, PPE at mataas na consumer spending,” bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa kanyang liham-pastoral.

Dagdag pa ni Bishop Evangelista na batid din ngayong pandemya ang pagtaas ng konsumo ng enerhiya dulot ng mga online activities sa loob ng mga tahanan katulad ng work-from-home, online classes at iba pang paraan na naglilimita sa kilos ng mga tao sa pampublikong lugar para makaiwas na mahawaan ng COVID-19.

Ipinaalala naman ng Obispo sa bawat mananampalataya na kasabay ng pangangalaga sa kalusugan upang makaiwas sa sakit ay ang pangangalaga rin para sa ating nag-iisang tahanan.

“Huwag nating kalilimutan na habang iniingatan natin ang ating kalusugan at mga pangangailangan ng ating pamilya, obligasyon din nating hilumin at pangalagaan ang ating kalikasan na siyang ating tahanan o common home,” ayon sa Obispo.

Kaugnay nito, hinihikayat ng CBCP ang bawat isa na ipanalangin na maging matiwasay at makabuluhan ang isasagawang United Nations Conference (COP 15) sa Oktubre at UN Climate Change Conference (COP 26) sa Nobyembre na magkaugnay sa layuning matugunan ang ang mga suliranin hinggil sa climate change na nagiging resulta ng pagkasira naman ng biodiversity.

Gayundin ang panawagang makiisa sa Healthy Planet, Healthy People petition na ang layunin nama’y hikayatin ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa upang makalikha ng mga desisyon na naaangkop para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,445 total views

 54,445 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,314 total views

 50,314 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,516 total views

 86,516 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,992 total views

 94,992 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,761 total views

 119,761 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top