LASAC, nakaalerto sa bagyong Jolina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Nakataas sa Red Warning ang buong lalawigan ng Batangas at Quezon bunsod ng pananalasa ng severe tropical storm Jolina at hanging Habagat na ramdam din ang epekto sa iba pang bahagi ng bansa partikular na sa malaking bahagi ng Luzon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) assistant chief operating officer Rev. Mark Ian Abu, nakaantabay ngayon ang lahat para sa posibleng pag-landfall ng Bagyong Jolina sa lalawigan ng Batangas.

Hindi pa man ganap na nakakalapag sa lupa ang bagyo ay naitala na ang malaking pagbaha sa isang barangay sa Batangas City habang mayroon namang pagguho ng lupa sa bayan ng Tingloy.

Ayon kay Rev. Abu, sa kasalukuyan ay nasa 18 pamilya o 51 indibidwal na ang apektado at nagsilikas bunsod ng epekto ng bagyo.

Nakahanda naman ang LASAC sa posibleng pamamahagi ng tulong para sa mga higit na maaapektuhan ng bagyong Jolina.

“Dito sa amin sa LASAC ay kami po naman ay naka-ready ng ating mga posible na maibababangtulong… Mamayang hapon kami’y may balak na umikot para magmonitor din at may mga naka-stockpile naman tayong mga pang-ayuda at biglaang tulong natin sa ating mga kababayan kung sakaling sila’y mangangailangan,” pahayag ni Rev. Abu sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, ayon naman kay Diocese of Lucena Social Action Director Fr. Archie Jacela, hindi pa gaano ramdam ang epekto ng bagyong Jolina sa lungsod ng Lucena sa lalawigan ng Quezon.

Ngunit, may ilan nang nagsilikas na mga residente sa Barangay Gulang-gulang, Lucena City dahil sa pag-apaw ng ilog na naging sanhi ng pagbaha.

“Sa report po ng service committee ng mga parokya ay wala pa namang apektado. Maliban sa Brgy. Gulang-gulang, Lucena. May bumaha na area malapit kasi sa ilog. Nag-evacuate na diumano sa school iyong ilang residente,” mensahe ni Fr. Jacela sa Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Jolina malapit sa Rosario Batangas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin sa 95 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 130 km/h, at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 15 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 2,792 total reads

 2,792 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 27,351 total reads

 27,351 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 63,852 total reads

 63,852 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 284,476 total reads

 284,476 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 318,992 total reads

 318,992 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 97,164 total reads

 97,164 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top