Paggawa ng kabutihan, pinakamahalagang regalo kay birheng Maria-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total views

Binigyang-diin ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang mamuhay ayon sa mga halimbawa ni Hesus ang pinakamagandang regalo ng mananampalataya sa Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng pagsilang ng Mahal na Ina nitong September 8.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na ang paggawa ng kabutihan ang magbibigay kasiyahan sa ina ng sanlibutan.

Sinabi pa ng Cardinal na makapagbibigay kasiyahan sa Mahal na Ina ang pagkakaisa ng mamamayan sa paglingap sa kapwa at paninindigan sa katotohanan at katarungan.

“Ang pinakamagandang regalo natin kay Maria ay ang pagsisikap nating maging katulad ni Hesus. Kung tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos, tumutulong at dumaramay sa kapwa, nagmamalasakit at nagmamahal sa lahat; kung tayo ay naninindigan sa katotohanan, karangalan, katarungan, katuwiran, at isinasa-alang-alang ang kabutihan ng nakararami; kung tayo ay mabuting mamamayan ng ating bayan at miyembro ng Simbahan,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inihayag pa ng Kardinal na tulad ng mga ina ng tahanan nais ng Birheng Maria na makita ang mga anak na maayos, mabuti at mabait na nakikitungo sa kapwa sa pagkakamit ng pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan.

Hinimok ni Cardinal Advincula na bukod sa pagpaparangal at pag-aalay ng mga bulaklak ay mahalagang isabuhay ng bawat isa ang mga turo ni Hesus bilang tugon sa pahayag ng Mahal na Birhen sa Juan 2: 5 ‘gawin ninyo ang anumang sabihin Niya [Hesus] sainyo’.

Kaugnay dito, hinikayat ng simbahang katolika na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa livestreaming bilang pagpaparangal sa Mahal na Ina.

Dahil sa pananatiling mahigpit ng quarantine restrictions sa National Capital Region at ibang lalawigan hindi pa rin pinahihintulutan ang religious gatherings kaya’t inaanyayahan ang mananampalatya sa online masses.

Sa Radio Veritas matutunghayan ang mga misa apat na beses araw-araw tuwing alas dose ng hatinggabi, alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, at alas sais ng gabi.

Patuloy ding isinasagawa sa bansa ang healing rosary for the world para sa paghilom ng daigdig sa COVID-19, suliranin ng kagutuman, kahirapan at ang laganap na karahasan sa lipunan.

Nauna nang kinilala ang Pilipinas na Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen dahil sa mayamang debosyon sa Mahal na Ina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 57,772 total views

 57,772 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 79,882 total views

 79,882 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 155,872 total views

 155,872 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 155,658 total views

 155,658 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top