Pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Jolina sa Batangas, tinutugunan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Patuloy ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission sa pamamahagi ng tulong sa mga lubos na apektado ng pananalasa ng bagyong Jolina sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy Officer ng LASAC na nasa mahigit 2000 pamilya mula sa kabuuang bilang na 3055 pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyo ang nabahaginan na ng tulong mula sa Arkidiyosesis.

“So far, out of the 3055 families, ‘yun ay nasa 12,000 individuals, nasa higit 2000 ang ating natulungan at ‘yun ay tuluy-tuloy pa rin lalo ngayong medyo nahupa na yung ating mga baha,” bahagi ng pahayag ni Tangonan sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman ang LASAC sa ipinadalang tulong ng Caritas Manila noong muling nagligalig ang Bulkang Taal nitong Hulyo, sapagkat ito’y naipamahagi pa rin ngayon sa mga naapektuhan ng Bagyong Jolina.

“Napakalaki ng tulong ng Caritas Manila gawa ng pinadala na goods during the Taal eruption, ‘yung iba doon ay hindi naman nagamit kasi hindi na nagsubside na ang Taal volcano. ‘Yun ay nagamit natin to augment the needs of the family,” saad ni Tangonan.

Samantala, ibinahagi naman ni Tangonan na bago pa man manalasa ang Bagyong Jolina sa lalawigan ay nagsagawa na ng rapid assessment ang LASAC katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas upang maayos na mailatag ang mga plano sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng sakuna.

“Prior to the typhoon, nag-rapid assessment ang LASAC with the provincial government kasi kung matatandaan ninyo, mayroon tayong bilateral agreement with the provincial government. Sinisiguro nito na ‘yung ating sharing of data between the government and the church, tayo din naman ‘yung pagseshare natin ng ating mga best practices ‘yun nama’y in place,” ayon kay Tangonan.

Magugunita nitong Agosto 11, 2021 ay nilagdaan nina Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Batangas Governor Hermilando Mandanas ang bilateral understanding sa pagitan ng lokal na simbahan at pamahalaang panlalawigan hinggil sa kolektibong pagtugon at pagtulong para sa mga lubos na apektadong pamilya ng mga sakunang likha ng kalikasan at ng tao.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa kabuuang 81,048 pamilya o 313,373 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Jolina, kung saan nag-iwan ito ng pinsala sa agrikultura na nagkakahalaga P628-milyong at P57-milyon naman sa mga imprastraktura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 103,953 total reads

 103,953 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,607 total reads

 180,607 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 214,055 total reads

 214,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,355 total reads

 249,355 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,848 total reads

 471,848 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,570 total reads

 158,570 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top