Bishop Pedregosa, humiling ng panalangin para sa pastol ng simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Hiniling ni Malaybalay Bishop Noel Pedregosa sa mamamayan ang panalangin para sa mga pastol ng simbahan sa pamumuno ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ito ang mensahe ng obispo makaraang maordinahan bilang obispo at maitalang punong pastol ng Malaybalay Bukidnon nitong September 14.

Umaasa si Bishop Pedregosa na sa tulong ng Diyos ay buong katapatan at kababaang loob itong makapaglingkod sa mahigit isang milyong mananampalataya ng diyosesis at maging mabuting pastol na handang makinig sa kanyang kawan.

“May my shepherding will be a shepherding of listening, dialogue, love, gentle correction and appreciation; a shepherding of humility and openness; a shepherding of intimate friendship and holiness; a shepherding into the heart and soul; a shepherding of giving special attention to the four L’s (the least, the last, the lost, and those who are not in the list), giving special attention to our common home, our Mother Earth,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pedregosa.

Batid ng obispo na malaking hamon at responsibilidad ang kaakibat ng pagkakatalagang obispo subalit naniniwala itong magagampanan ang tungkulin sa tulong ng Banal na Espiritung ipinagkaloob ng Diyos kasabay ng kanyang ordinasyon.

Inilarawan pa ni Bishop Pedregosa ang pagkakataong kasabay ng kanyang ordinasyon ay ipinagdiwang ang kapistahan ng pagtatampok sa banal na krus kung sumasagisag sa tagumpay na hatid ng Panginoong Hesukristo.

Naniniwala rin ang obispo na ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan ay makatutulong upang maghilom ang buong daigdig sa epekto ng coronavirus, pagmakasarili, poot at iba pang masasamang gawi at higit na maisulong ang kabutihang panlahat.

“Healthy attitude towards Mother Earth creates healthy environment and relationship among ourselves. It can bring authentic healing and unity among ourselves, with the nurturing Moher Earth and with the Holy Triune God the author of everything,” ani Bishop Pedregosa.

Pinangunahan ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang ordinasyon at pagluklok sa ikalimang obispo ng Malaybalay kasama sina Cotabato Archbishop Angelito Lampon at Tandag Bishop Raul Dael.

Dumalo rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ilang obispo at mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis.

Naglaan naman ng sandaling katahimikan si Bishop Pedregosa upang ipanalangin ang mga may karamdaman lalo na ang mga nahawaan ng COVID-19, ang katatagan ng mga medical frontliners na nangunguna sa pagsugpo sa nakamamatay na virus.

“May they all find courage and strength, consolation in the love, mercy and healing in the Holy Triune God,” giit ng obispo.

June 29 nang pormal na inanunsyo ng Vatican ang pagkakatalaga ni Bishop Pedregosa bilang kahalili ni Archbishop Cabantan na unang itinalaga sa Archdiocese ng Cagayan De Oro noong 2020.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,427 total reads

 13,427 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,564 total reads

 14,564 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,705 total reads

 29,705 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,082 total reads

 67,082 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,352 total reads

 98,352 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,706 total reads

 173,706 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,493 total reads

 266,493 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,428 total reads

 13,428 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top