Cardinal Advincula on road to recovery na, lubos ang pasasalamat sa mga nagdarasal sa kanyang kagalingan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula matapos magpositibo sa coronavirus.

Sa mensahe ng cardinal sa Radio Veritas hindi na ito nakaranas ng lagnat sa mga nakalipas na araw habang tuloy-tuloy pa rin ang pagsailalim sa quarantine.

“On the road to recovery na, no fever for last 3 days, oxygen level remains high at 98,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Matatandaang September 17 nang inanunsyo ng arkidiyosesis na nagpositibo ang arsobispo sa COVID-19.

Binabantayan naman ng mga doctor ang kalagayan ng cardinal upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan nito.

Nagpaabot naman ng panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa kagalingan ng cardinal at hinimok ang mga diyosesis na mag-alay ng panalangin sa mga misa.

Nagpasalamat naman si Cardinal Advincula sa lahat ng mga panalangin para sa kanyang kagalingan habang tiniyak din ang patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Keep me in your prayers as I keep you in mine,” ani Cardinal Advincula.

Una nang pinasalamatan at kinilala ng cardinal ang mga frontliners ng bayan sa isang misa noong September 15 sa San Felipe Neri Parish partikular na ang mga medical healthcare workers na pinakalantad sa panganib na mahawaan sa laban ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 24,172 total views

 24,172 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 148,583 total views

 148,583 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 191,556 total views

 191,556 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 271,171 total views

 271,171 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top