Face to face classes, sinang-ayunan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Suportado ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng pamahalaan na limited face to face classes.

Ayon kay Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta, ang vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, mahalaga ang pisikal na pagdalo ng mga kabataan subalit mahalaga ang suporta ng magulang lalo’t mapanganib pa rin ang epekto ng coronavirus sa lipunan.

“Okay yan [face to face classes] basta may support ng mga magulang; the ideal is ‘in person’ ang classes ng mga estudyante ngunit dahil sa surging cases ng COVID/Delta variant, baka maalanganin din ang mga magulang na pumasok sa eskwelahan ang mga anak nila,” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo na nararapat isaalang-alang ang kapakanan at kaligtasang pangkalusugan ng mga kabataan sa pagpapatupad ng face to face classes sapagkat labis na lantad sa panganib ang mga bata sa nakakahawang karamdaman.

Batid ni Archbishop Peralta ang hirap na dinanas ng mga kabataan sa pagpatupad ng blended learning partikular sa mga kanayunan kung saan hindi naaabot ng serbisyo ng internet.

“But it’s also obvious na maraming disadvantages ang online learning; sa totoo lang hindi nakakapag-aral ang mga estudyante lalo na yung mga nasa barangay dahil sa kakulangan ng laptop at internet connection among other things. It’s really a dilemma,” ani ng arsobispo.

Kamakailan ay inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face to face classes sa 120 paaralan sa bansa sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga kabataang sasalang sa pilot testing ang kindergarten hanggang Ikatlong baitang at ang senior highschool na kumukuha ng technical vocational strand programs.

Sa isinagawa namang vaccination rollour nasa 40 milyong Filipino na ang nabakunahan kung saan kalahati dito ang kompleto na sa bakuna kontra COVID-19.

Pinag-aralan na rin ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 taong gulang para mas mapigilan ang paglaganap ng virus lalo na sa kabataan.

Hinimok ni Archbishop Peralta ang mga kinauukulang opisyal na tiyakin ang kalusugan ng mga kabataan sa pagbabalik ng limited face to face classes sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,408 total reads

 72,408 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,938 total reads

 150,938 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,386 total reads

 184,386 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,683 total reads

 219,683 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,276 total reads

 443,276 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top