376 total views

Kapanalig, tintuturo sa mga paaralan sa ating bansa ang ating mga batayang karapatan magmula elementarya pa lamang. Napaka-ironic na tinuturo natin ito sa ating mga kabataan pero sila naman ang isa sa pangunahing biktima ng human rights violations sa ating bayan ngayon.

Isang halimbawa na lamang kapanalig, ay ang age of sexual consent sa ating bayan. Twelve years old ang age of consent sa Pilipinas kapanalig, at ito na ang pinakamababa sa buong Asya at ang pangalawa sa pinaka-mababa sa buong mundo. Isipin mo kapanalig, sa ating bansa kung saan maraming bata ang nahahalay, ganito pa kababa ang age of sexual consent. Ayon nga sa National Baseline Study on Violence Against Children, isa sa limang kabataan may edad 13 hanggang 17 ang nakaranas ng sexual violence, at isa sa 25 ang pinwersang makipagtalik noong bata pa lamang sila. Kadalasan, miyembro pa ng pamilya ang may sala. Parehong batang lalake at babae ang biktima nila. Mas mahirap mapapanagot ang mga nang-aabuso kung ang age of consent sa bayan ay nasa 12 anyos lamang.

Ang drug war din kapanalig, ay isa ring ehemplo ng pagiging biktima ng human rights abuses ang mga kabataan. Tinatayang higit pa sa 122 na kabataan ang napaslang dahil sa mga anti-drug operations. Maalala natin kapanalig, si Kian delos Santos na nagmaka-awa pa sa mga pulis na pumaslang sa kanya. Marami ring mga bata ang lubos na ulila dahil sa maraming napaslang na mga hinihinalang mga drug users.

Ang child labor, na maaring tumaas pa ang bilang ngayong pandemya, ay isa ring halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao ng mga kabataan. Naging sentro nga ng produksyon ng child sex abuse materials ang mga bata sa ating bayan. Maraming pagkakataon, ang mga magulang pa nila ang nagtutulak at pumipilit sa mga anak nila sa ganitong trabaho.

Kapanalig, sino pa ang kakapitan at maasahan ng mga bata kung ang mga tao at mga institusyon na dapat sana ay nag-aalaga at nagmamahal sa kanila ang siyang tumatapak sa kanilang karapatang pantao? Saan pa pupunta ang mga batang ito para makahingi ng tulong at habag?

Ayon sa Gaudium et Spes  – ang lahat ng insulto sa karapatan pangtao, lalo na sa mga nasa laylayan gaya ng mga maralitang kabataan, ay lason ng lipunan. Dapat nating iwaksi ito at panagutin ang mga may sala.

Malaking kasinungalingan, kapanalig, at malaking “injustice” ang pagpapabaya natin sa kapakanan ng mga bata sa ating bayan. Hindi natin matatawag ang ating sarili na Kristyano kung mananatiling kaawa-awa ang sitwasyon ng maraming bata sa ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,546 total views

 9,546 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,190 total views

 24,190 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,492 total views

 38,492 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,253 total views

 55,253 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,650 total views

 101,650 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,547 total views

 9,547 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 24,191 total views

 24,191 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,493 total views

 38,493 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 55,254 total views

 55,254 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top