Philippine Journal for COOP Studies, inilunsad ng UMMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Nakipatulungan ang Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) sa mga pribadong grupo para mas paigtingin pa ang pagpapalawak ng information drive hinggil sa koooeratiba.

Umaasa si UMMC Chairperson Fr. Anton CT Pascual na makatutulong ang inilunsad na ‘The Philippine Journal for COOP Studies’ sa pagpapalago ng sektor ng kooperatiba sa bansa.

“With the ongoing reinvention of the COOP UNION SYSTEM in the country vis-à-vis the benchmarking efforts of the Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) in the National Capital Region, it is my ardent hope that our partnership with PUP-DCDS, PCC and UNECO through this ACADEMIC JOURNAL would contribute as a knowledge resource material in the mission of unification, integration and consolidation of the cooperative sector,” pahayag ni Fr. Pascual.

September 28 nang inilunsad ng UMMC katuwang ang PUP Department of Cooperatives and Social Development (PUP-DCSD), Philippine Cooperative Center (PCC), at Union of Enterprising Cooperatives (UNECO) ang Philippine Journal for COOP Studies na layuning makapaglathala ng mga pagsasaliksik hinggil sa mga kooperatiba sa bansa.

Hangarin ng academic publications ang mahimok ang mga researchers na ilathala ang kanilang mga pagsasaliksik tungkol sa kooperatiba; magkaroon ng mga dokumento sa magagandang programa ng mga kooperatiba; magbahagi ng mga impormasyon hinggil sa kooperatiba na maaring gamiting batayan sa paglikha ng mga polisiya at programa ng kooperatiba; at higit na mahikayat ang mga dalubhasa na makisangkot sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa cooperative management.

Umaasa ang pari na magbukas sa mas malawak na kaalaman sa pagpapalago ng sektor ng kooperatiba ang Human Development, Health, and Sustainability; Social and Cultural Diversity; Economic and Environment Challenges; Digital Technology and Innovation; Good Governance and Transformational Leadership; at Youth Involvement.

Sa datos ng Cooperative Development Authority halos nasa 20 libo ang bilang ng mga rehistradong kooperatiba sa bansa na may 11 milyong miyembro.

Naniniwala si Fr. Pascual na sa pagtutulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng kooperatiba ay higit na mapaunlad ang pamumuhay ng mamamayan at maibsan ang kahirapan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,702 total reads

 33,702 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,974 total reads

 64,974 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,783 total reads

 142,783 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,011 total reads

 237,011 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,260 total reads

 296,260 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top