Word Conference 2021, isasagawa ng Claretian Missionary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Inaanyayahan ng Claretian Missionary ang mananampalataya sa gaganaping Word Conference 2021 sa Nobyembre.

Sa pahayag ng Claretian Communications Foundations, Inc. sa pamumuno ni Fr. Julius Jose Coching, CMF ibinahagi nitong layunin ng pagpupulong na mabuksan ang kamalayan ng mananampalataya hinggil sa misyon bilang bahagi ng kristiyanong pamayanan.

“The participants of this year’s Word Conference are called to return to our roots, to be renewed to our resolves and to revitalize our responsibilities. It is a call to be grateful of the gift, to recommit to the gift and to be charitable with the gift as we do mission through new evangelization,” bahagi ng pahayag ng Claretian Communications.

Tema ng WordCon 2021 ang ‘Gifted to Give: “A gift opens the way and ushers the giver into the presence of the Great” na isasagawa sa November 29 at 30 sa alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ito ang paraan ng Claretian missionary na mabigyang pag-asa ang mamamayan na puno ng pangamba at alinlangan bunsod ng nangyayari sa paligid lalo na ng coronavirus pandemic.

Pagtuunan ng pansin sa WordCon ang paksang ‘Kaloob, na Sinasaloob at Ipinagkaloob’ na hango sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa.

Nais nitong pagnilayan ng mamamayan ang mga kaloob tulad ng mga kwento ni Hesus sa Mabuting Balita, mga kaloob sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga awitin, mga kaloob na palatandaang itinatag sa mga simbahan at dambana, at ang kaloob ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng debosyon ng mananampalataya.

Ito sentro ng talakayan sa dalawang araw na pagpupulong online sa pamamagitan ng zoom na mapapanuod sa facebook pages ng Claretian Missionaries at Radyo Veritas Ph.

Umaasa si Fr. Coching na maging mabunga at higit na mahimok ang mananampalataya na isabuhay ang misyon bilang kristiyano na ipalaganap si Kristo sa pamayanan.

Ang WordCon ay inisyatibo rin ng Bible Apostolate of the Claretian Missionaries – Philippine Province sa pagdiriwang ng ika – 75 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas.

Sa mga nais lumahok sa WordCon 2021 makipag-ugnayan lamang sa Claretian Communications Foundation, Inc kay Geraldine Vireynato at Analyn Dayandante sa telepono (02) 8921-3984 local 103 o mag-email sa [email protected] at bisitahin ang official website www.wordcon.ph.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,075 total reads

 75,075 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,391 total reads

 153,391 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,839 total reads

 186,839 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,136 total reads

 222,136 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,641 total reads

 445,641 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top