PAREX project sa Pasig river, tinututulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Isasagawa ng grupong Renacimiento Manila ang Pasig River Heritage Appreciation Walk bilang kampanya laban sa binabalak na pagtatayo ng Pasig River Expressway (PAREX) project sa kahabaan ng Ilog Pasig.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng “Tindig para sa Pasig – #IlogPASIGlahin, #NoToPAREX campaign na kontribusyon ng grupo upang ipabatid sa publiko ang tunay na kahalagahan ng kultura at kasaysayan, maging ang pag-unawa sa maaaring maidulot ng PAREX project sa mga natitirang pamanang pinakaiingatan mula pa noong unang panahon.

“Knowing the cultural and historical significance of this area of the Pasig River is key in understanding why, in the lens of heritage advocates, it is important that PAREX never sees the light of day,” pahayag ng Renacimiento mula sa kanilang facebook post.

Gaganapin ang heritage walk ngayong Sabado, Oktubre 9 mula alas-10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

Magsisilbing lugar-tagpuan ng aktibidad ang Plaza Lawton, kung saan mula sa Lawton ay dadaanan nito ang Jones Bridge, Plaza Moraga at Escolta, patungo sa Sta. Cruz.

Samantala, isasagawa naman sa Oktubre 16 ang Pasig River Art Walk; sa Oktubre 23 ang Pasig River Heritage Photo Walk; habang sa Oktubre 30 naman ay ang Sining para sa Kalikasan at Pamanang Pangkultura.

Libre at bukas para sa publiko ang mga nasabing gawain kaya sa mga nais na makibahagi, bisitahin lamang ang facebook page ng Renacimiento Manila para sa iba pang impormasyon.

Ipinapaalala naman ng grupo ang pagsusuot ng face masks at sundin ang iba pang health protocols bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Ang Renacimiento Manila ay isang organisasyong nagtataguyod sa kahalagahan ng kultura at kasaysayan ng Maynila sa pamamagitan ng pagsisikap na buhayin, pangalagaan at panatilihin ang mga naiwang pamana mula noong unang panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,863 total reads

 64,863 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,688 total reads

 143,688 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,133 total reads

 177,133 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,432 total reads

 212,432 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,311 total reads

 436,311 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,426 total reads

 157,426 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top