Obispo, nanawagan sa mamamayan na gamitin ang konsensiya sa paghalal ng mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na gamitin ang konsiyensya at pahalagahan ang halalan upang hindi pagsisisihan ang resulta nito.

Ayon sa Obispo, dapat piliin ng mamamayan ang mga taong nararapat na iluklok sa posisyon na magtataguyod sa kapakanan at tunay na magsusulong sa pag-unlad ng bayan.

“We have to take election seriously and conscientiously, its results can affect us either with gratitude or regrets; To vote is our right, we have to exercise our right to vote with wisdom and choose the righteous persons,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na nakasalalay sa bawat botante ang kinabukasan ng bansa kaya’t mahalagang suriing mabuti ang bawat kandidatong ihahalal.

Dagdag pa ng opisyal na dapat gawing basehan ng mamamayan sa pagpili ng kandidato ang moralidad ng tao ayon sa 3 G’s o ang ‘God, Gospel, and Good manners’ sa halip na ‘guns, goons and gold’ na nakasanayan sa mahabang panahon ng kasaysayan ng eleksyon.

“Let us consider those candidates who firmly believe, have strong faith, and heartily accept God. Someone who reveres the Lord is afraid to offend Him and makes decisions according to His commandments. Anyone who professes his or her belief in God, lives according to His ways and makes Him the center of his or her life,” ani ng Obispo.

Inihayag ni Bishop Santos na ang mga opisyal na may takot sa Diyos ay tunay na makapagbabahagi ng pag-ibig ng Panginoon sa pinaglilingkurang pamayanan at tutol sa DEATH Bills tulad ng extrajudicial killings, death penalty, aborsyon, reproductive health law at iba pa.

Ayon pa kay Bishop Santos na dapat taglay din ng mga ibobotong indibidwal ang pagsasabuhay sa Mabuting Balita at iwasan ang mga kandidatong hindi tapat sa sinumpaang tungkulin at naglilingkod para sa sariling interes.

“Anyone who uses weapons or gives grease payments and bribes, should never be considered for any position of leadership. Anyone who takes advantage of their government positions as a means of enriching themselves through privileges, perks, and exemption from rules and regulations, is NOT worthy of your votes,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli hinikayat ng obispo ang mamamayan na piliin ang mga taong magpapakita ng pagiging mabuting ehemplo sa lipunan bilang mga lider na nagsusulong ng pagkakaisa ng mamamayan sa halip na pagkakahati-hati, pang-aabuso at karahasan.

“Having good manners, our words can be inspiring and encouraging, not abusive, offensive, nor life-threatening. Good manners exhibit actions that are pleasing, helpful, and not self-serving. So, before we cast our votes, know your candidates’ character beforehand. They should be right and excellent examples of good morals,” ani Bishop Santos.

Matatandang noong September 2 inilunsad ng Radio Veritas ng ‘One Godly Vote’ campaign na layong tulungan ang mahigit sa 60 milyong botante na suriin ang mga kumakandidato sa 2022 National and Local Elections upang matiyak na maisulong ang pagbabago at pag-unald ng bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,467 total reads

 3,467 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,349 total reads

 5,349 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,025 total reads

 14,025 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,403 total reads

 51,403 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,674 total reads

 82,674 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,315 total reads

 159,315 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,878 total reads

 252,878 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,468 total reads

 3,468 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top