Caritas Manila, instrumento ng Panginoon sa pagpapadaloy ng pag-ibig sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila ang pagpapaigting sa kawanggawa lalo na sa mas nangangailangan ng kalinga sa lipunan.

Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila sa ika-68 anibersaryo ng pagkatatag ng institusyon.

Binigyang diin ng pari na ang Caritas Manila ang instrumento ng Panginoon sa pagpapadaloy ng dakilang pag-ibig sa sanlibutan.

“Ang grasya ng Panginoon ay talagang kumikilos sa simbahan lalong lalo na sa pagtulong sa mahihirap at ginagamit ng Panginoon talaga ang Cartias Manila; tunay nga ang Diyos ay tapat, ang pag-ibig ng Panginoon ay tapat at patuloy nagbibigay ng suporta, ayuda at pagliligas sa ating lahat sa pamamagitan ng kawanggawa,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na higit na umusbong ang paglilingkod ng Caritas Manila sapagkat ito ay organisasyon ng pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan.

Iginiit ni Fr. Pascual na palalakasin nito ang mga programa na makatutulong sa mga dukha na maibsan at tuluyang maiahon sa kahirapang naranasan.

Sa halos pitong dekada ng institusyon lumalawak ang misyon nito sa pamayanan sa larangan ng kabuhayan, edukasyon, at iba’t ibang charity programs ng simbahan.

Kabilang na rito ang pagkilos ng simbahan nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020 kung saan ayon kay Fr. Pascual umabot sa mahigit dalawang bilyong pisong incash at inkind donation ang nalikom at naipamahagi sa mga ‘poorest of the poor’ sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sa nagpapatuloy na krisis ng pandemya ngayong 2021 mas pinalawak ng Caritas Manila ang pagtugon hindi lamang sa Luzon kundi maging sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

“This year naman mahigit sa limandaang milyong piso na ang ating nailabas na in cash at in-kind sa pagbibigay pa rin ng ayuda lalong lalo na sa ating poorest of the poor,” ani Fr. Pascual.

Bukod pa rito ang pagtugon ng institusyon sa scholarship program na Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na nagpapaaral ng 5, 000 kabataan sa buong bansa sa kolehiyo at technical vocational courses.

Bukod sa kursong edukasyon at agri-entrepreneurship hinikayat din ng Caritas Manila ang mga scholars na kumuha ng kursong ‘nursing’ upang makatulong sa health sector sa mga emergency crisis tulad ng COVID-19 pandemic.

Nitong Setyembre nakalikom ng sampung milyong piso ang institusyon sa isinagawang Caritas YSLEP telethon habang tuloy-tuloy din ang Segunda Mana program kung saan pangunahing benepisyaryo sa kinikita nito ang YSLEP Scholars.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Fr. Pascual ang mga tumutulong at tumatangkillik sa mga programa ng Caritas Manila sapagkat naabot nito ang mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

“Kami’y lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala at makakaasa kayo na anuman ang inyong inaabuloy sa pamamagitan ng Caritas ay tiyak na makakarating sa mga nangangailangan lalong lalo na sa porest of the poor,” giit ni Fr. Pascual.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang misa sa pagdiriwang ng anibersaryo kasama sina Fr. Pascual, Fr. Moises Ciego at Fr. Eric Adoviso, commissioner ng Manila Archdiocesan Social Services and Development Ministry.

Taong 1953 nang itinatag ang Catholic Charities ni noo’y Manila Archbishop Rufino Santos na layong tugunan ang pangangailangan ng mahihirap sa lipunan na siyang pinagyayabong na programa at isinasabuhay ng Caritas Manila sa kasalukuyang panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,407 total reads

 77,407 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,635 total reads

 155,635 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,082 total reads

 189,082 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,379 total reads

 224,379 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,813 total reads

 447,813 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top