Ang pagtataguyod sa karapatan ng IP’s ay pagtatanggol sa integridad ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total reads

Iginiit ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na magkaakibat at magkahalintulad ang pagkilala sa karapatan ng mga katutubo at kalikasan.

Ayon kay Bishop Dimoc, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang pagpapakita ng paggalang sa karapatan ng mga katutubo ay pagtataguyod din sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.

“When you respect and defend the rights of the indigenous people, you also protect the integrity of the environment. When you respect and promote the rights of nature, you also uphold the rights of indigenous people,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Dimoc na ang paggunita rin sa Indigenous Peoples’ Sunday ay pagkilala sa mahahalagang gampanin at misyon ng mga katutubong Pilipino hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili sa mga kagubatan at iba pang likas na yaman ng bansa.

Ito rin ang dahilan kung kaya’t makabuluhan ang pagtatapos ng Season of Creation dahil sa paglalaan ng araw para sa mga katutubong unang naatasan ng Diyos upang maging mabubuting katiwala ng ating inang kalikasan.

“The Indigenous Peoples’ Sunday is a celebration that highlights the life of the Indigenous People and concludes the Season of Creation which started on September 1… This is what it means to celebrate the Season of Creation and conclude it with the Indigenous Peoples’ Sunday,” saad ni Bishop Dimoc.

Sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples, tinatayang aabot sa mahigit 11.3-milyon ang kabuuang populasyon ng mga katutubo sa Pilipinas.

Naitala rin na aabot na sa 71 indigenous leaders ang napaslang sa mga nakalipas na taon sanhi ng pang-uusig at pagpapaalis mula sa kanilang mga lupaing ninuno upang makapagsagawa ng mga pagmimina at plantasyon ang mga makapangyarihang kumpanya na nakapipinsala naman sa kalikasan.

Ang mga pangyayaring ito ay sumasalamin sa paglabag sa batas, partikular na sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 na dapat sana’y mangangalaga sa karapatan ng mga katutubo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,841 total reads

 2,841 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,764 total reads

 4,764 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,150 total reads

 13,150 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,528 total reads

 50,528 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,799 total reads

 81,799 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,485 total reads

 158,485 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,094 total reads

 252,094 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,371 total reads

 73,371 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top